P50-M YOSI HULI SA BOC-CDO

CAGAYAN DE ORO – Nasabat ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro ang dalawang ­container vans na naglalaman ng ilegal na sigarilyo na may halagang 50 milyong piso mula sa China.

Ang shipment na naka-consigned sa LMRC 418 Direct Import Export Corporation ay dumating noong Pebrero 14, 2021 sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Sa pamamagitan ng natanggap na derogatory information kaugnay sa shipment, isang Pre-Lodgement Control Order ang inisyu ni District Collector John Simon ng BOC-CDO mula na rin sa rekomendasyon ng CIIS.

Sa isinagawang ­inspeksyon, ang shipment na idineklara bilang furniture ay nadiskubre na naglalaman ng smuggled cigarettes na may brand na Marvels at Two Moon.

Kaugnay nito, pinapurihan naman ni Collector Simon ang CIIS CDO Field Station sa pamumuno ni IO1 Oliver ­Valiente para sa kanilang patuloy na pagbabantay sa border protection.

Samantala, isang Warrant of Seizure and Detention ang inisyu para sa nasabing shipment na nakatakda nang wasakin sa mga susunod na araw.

Ang kagaratan ng ­Mindanao ay isa sa paboritong bagsakan ng mag ilegal na sigarilyo na nagmumula sa ibat-ibang bansa sa Asya na kalapit ng Pilipinas. (Joel O. Amongo)

140

Related posts

Leave a Comment