Bilang mandato ng Bureau of Customs’ (BOC) na protektahan ang hangganan ng bansa mula sa pagpasok ng illegal at smuggled goods, ang Bureau’s Action Team Against Smugglers o BATAS ay nag-sampa ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang (2) importers dahil sa umano’y hindi tamang deklarasyon at ilegal na importasyon ng mga peke at ipinagbabawal na kalakal.
Ang unang kaso ay laban sa YJC International Corporation para sa ‘alleged unlawful importation and misdeclaration’ ng 1,599 cartons (79,950 reams) ng pekeng sigarilyo na may kabuuang halagang PHP 76,837,676.47.
Ang consignee ay idineklara ang kanilang shipment bilang plastic frames at sheets.
Naganap ang paglabag noong Enero 03, 2021 sa Manila International Container Port (MICP).
Kinasuhan din ang MBS CARGO MOVERS Co. para sa ‘alleged illegal importation and misdeclaration’ ng 344 boxes ng ukay-ukay.
Ang consignee ay idineklara ang kanilang shipment bilang used personal effects.
Naganap ang paglabag noong Agosto 10, 2020 sa MICP.
Ang mga nabanggit na consignees at kanilang brokers ay kinasuhan sa ibat-ibang paglabag sa R.A. 10863 (CMTA), Republic Act No. 4653 (An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags), R.A. 10963 (TRAIN Law), R.A. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines), The Revised Penal Code, at National Tobacco Administration rules and regulations.
Bukod dito, may kinakaharap ding administrative cases sa PRC laban sa Licensed Customs Brokers ng consignees ang nabanggit na shipments.
Ang consignees at kanilang Licensed Customs Brokers ay nakitaan ng ibat-ibang paglabag sa Republic Act No. 10863, o mas kilala sa tawag bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA); Republic Act No. 4653 o mas kilala bilang “An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags”; Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2014-0038 o ang Rules and Regulations Governing Household/Urban Pesticides Licensing of Establishments and Operators, Registration of Their Products and for Other Purpose; and Article 172 in relation to Article 171 of the Revised Penal Code, bilang inamyendahan.
Sa pagsasampa ng mga kaso ay muling inulit ng BOC ang kanilang pangako ngayong 2021 na kanilang poprotektahan ang anumang labag sa batas na importasyon ng ibat-ibang kalakal sa bansa. (Jo Calim)
