Para walang dead spot sa Valenzuela INTERNET PROVIDERS HINIMOK SA COMMON POLE PROJECT

WALANG puwang ang tinatawag na “dead spot” o lugar na walang signal saan mang lugar sa lungsod sa panahong online classes at work from home setup na ang “new normal,” ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Bunsod nito, sa pulong upang lutasin ang isyu ng internet connectivity na matagal nang suliranin ng mga kostumer sa siyudad, hinimok ng alkalde ang internet providers sa lungsod na lumahok sa Common Pole Project.

Sa nasabing proyekto, mapapalawak ng internet providers ang kani-kanilang network sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga kable sa mga itinakdang poste sa kalsada.

Bukod sa paglawak ng networks, maiiwasan din ang mga sala-salabat, magulo at minsa’y hindi na kilala kung kaninong mga kable.

Kabilang sa pinulong ang Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT), Converge at Globe.

“We are enabling an environment to solve the problems of internet connectivity issues. I can only get mad so much but at the end of the day, we have to find solutions to improve the internet services in the city,” ani Gatchalian.

Sa iba pang kaganapan, alinsunod SK Reform Law, opisyal nang ipinagkaloob ng City Government of Valenzuela, Department of the Interior and Local Government-Valenzuela, at Liga ng mga Barangay, ang pondo ng Sangguniang Kabataan (SK) sa bawat chapter ng SK sa lungsod.

Ang nasabing pondo ay narararapat gamitin sa pagpapapatupad ng mga programa at proyekto para sa mga kabataang Valenzuelano. (ALAIN AJERO)

186

Related posts

Leave a Comment