KAYSA nabubulok o nakatiwangwang, sinabi ni Senador Sonny Angara na kailangan isailalim sa build-operate and transfer scheme (BOT) ang mga ari-arian ng pamahalaan sa sektor ng turismo upang mapagkakitaan ito ng gobyerno.
Sa kanyang pananalita sa naganap na public-private collaboration forum na inorganisa ng Ateneo School of Government, sinabi ni Angara na kailangan pagkakitaan ng gobyerno ang ilang ari-arian nito sa turismo sa pamamagitan ng kolaborasyon sa pribadong sektor.
“In order to make some government assets in the tourism sector more profitable, there should be a collaborations with the private sector to be explored in order to develop its full potential,” aniya sa forum.
Sinabi ni Angara na isa ang turismo sa puwedeng magkaroon ng partnership ang gobyerno at pribadong sektor na puwedeng paunlarin.
“Government owns a lot of assets. But let’s face it, the government is not the best at running these enterprises. You’re not maximizing earnings in these enterprises,” ayon kay Angara.
Inihalimbawa ni Angara ang Banaue Hotel and Youth Hostel at ilang isla sa Kabisayaan na pag-aari at pinatatakbo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, na pawang prime tourist destination na maaaring tulungan ng pribadong sektor na may malakas na track record na nagpapaunlad ng katulad na ari-arian.
“If you could make them attractive, maybe the private sector could come in and do some variant of BOT (build-operate-transfer). They can make it profitable, they can make it nice and then turn these back over to the government at some point in the future,” ayon kay Angara.
Sinabi ni Angara na hindi pa nagagamit ang public-private collaboration sa sektor na maaaring magsulong sa industriya ng turismo, magkaroon ng maraming aktibidad sa ekonomiya at magbigay ng trabaho sa Pilipino.
Pinakamatinding apektado sa pananalasa ng pandemya ang sektor ng turismo dahil ipinagbawal ang pagbiyahe.
Aniya, kahit hindi prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng turismo, kailangan tugunan ang pagbuhay dito kapag natiyak na ang kaligtasan at kalusugan ng biyahero, domestic man o dayuhan. (ESTONG REYES)
223
