Bilang isang border protection unit na ang mandato ay mapalakas at magbantay sa 17 puerto sa buong bansa, dinagdagan pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang ipinapatupad na mga pamamaraan sa scanning at inspection capabilities kaugnay ng tinatawag na enhancement ng kanilang x-ray operations.
Sa pamamagitan ng kanilang Interim Training and Development Division (ITDD), nagsagawa ang ahensiya ng ibat-ibang pagsasanay sa kanilang mga tauhan na nakatalaga sa X-ray Inspection Project (XIP).
Ang mga ito ay ang port personnel ng XIP, Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Assessment Division.
Sa gitna nang outbreak ng COVID-19, ang Bureau ay nagsagawa ng kabuuang labing apat (14) na batches ng trainings noong 2020.
Para sa unang dalawang buwan naman ng 2021, dalawang (2) trainings na ang kanilang isinagawa.
Matatandaan na noong Pebrero 15-16, 2021, ang Bureau ay nagsagawa ng Basic Operation at Image Analysis Training of Rapiscan 636SV Mobile Baggage Scanner na dinaluhan ng concerned personnel ng Port of Cebu pati na rin ang Sub-port ng Mactan.
Kabilang sa kasama sa tinalakay ay ang ‘basic know-how sa operqsyon ng Mobile Baggage Scanners na agad din naman nilang ipinamahagi sa ibat-ibang BOC ports.
Layunin nito ay mapaganda at mapadali ang x-ray operations sa lahat ng BOC ports na sumasakop sa paparating na mga bagahe o parcels.
Kaugnay nito, nagsagawa rin ang Bureau ng Basic Operation at Image Analysis Training para sa Astrophysics Portal X-ray Machine sa Port of Manila noong March 2-4.
Samantala, umaabot na sa walong scanning technologies ang inilagay simula pa noong 2020 sa ibat-ibang ports at facilities ng BOC kabilang na ang Port of Manila, Manila International Container Port (MICP), Port of Cebu, Port of Davao, Zamboanga International Airport, at the XIP Examination Area.
Ang installations ay binubuo ng Portal Type Scanner, Hand Carry Baggage Scanner, and Mobile Container Scanners and CT Luggage Inspection Systems donated by the Embassy of the People’s Republic of China. Isang (1) unit ng Portal Type Scanner ang inilagay sa Port of Davao in January 2021.
(Joel O. Amongo)
