Mga kongresista binabastos sa Kamara LORD FEELING EMPEROR – DEFENSOR

(BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG binabastos na ang mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso sa walang pakundangang mga desisyon ng liderato nito.

“The House of Representatives under the leadership of Andersen’s Emperor Lord Velasco has done it again.”

Ganito pinasaringan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor si House Speaker Velasco matapos siyang alisin bilang vice chairman ng House committee on legislative franchises bago natapos ang session noong Miyerkoles.

Ang hindi umano nagustuhan ni Defensor ay ang pagtanggal maging sa mga hardworking congressmen na sina Zamboanga Sibugay Rep. Sharky Palma at Quezon City Rep. Onyx Crisologo na sinibak ni Velasco bilang mga deputy majority leader.

“They have taken out two of the most hardworking members of the Rules Committeee in the person of Cong. Sharky Palma and Cong. Onyx Crisologo for no apparent reason,” ani Defensor.

Bagama’t ipinalit si Palma kay Defensor bilang vice chairman ng legislative franchises committee habang binigyan ng membership sa Games and Amusement si Crisologo ay ipinaranas umano ng liderato ni Velasco sa dalawa ang karanasan nito noong election.

“Ang masama pa, hindi man lang sila kinausap o sinabihan bagama’t nasa floor sila nang biglang ginawa ang announcement.

He (Velasco) did the same thing to me in January—wala ring pasabi,” ayon sa mambabatas.

Kung talagang may pagpapahalaga aniya si Velasco sa mga miyembro at talagang propesyunal ito ay dapat kinausap muna ang dalawang nabanggit na mambabatas bago sila inalis sa kani-kanilang posisyon.

“Makikita talaga ang kawalan ng professionalism sa kasalukuyang liderato,” dagdag pa ng mambabatas na noong Disyembre ay tinanggal bilang chairman ng House committee on public accounts.

Hindi pa nakuntento si Velasco at tinanggalan din nito si Defensor ng vice chairmanship sa House committee on health, good government and public accountability, dangerous drugs, public information, at strategic intelligence committee.

“Kunin na nila lahat ng committees ko. I can still do my work.

Ibalik lang nila ang pension ng mga sundalo, pulis at ng ating unipormadong sektor,” pasaring pa ni Defensor. Ang vice chairmanship sa committee on welfare of children na lamang ang natitirang posisyon kay Defensor.

321

Related posts

Leave a Comment