DUMAGUETE PORT BUILDING, AIRPORT PINASINAYAAN NI DUTERTE

PINANGUNAHAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa matagumpay na proyekto na naglalayong mapahusay ang perpektong pagkakakonekta sa mga isla, pagtataguyod sa buhay na buhay na kalakal at turismo at magdadala ng paglago sa kanayunan.

Sa naging talumpati ng pangulo sa pagpapasinaya ng Port Operations Building sa Port Area Looc, Dumaguete City, Negros Oriental, sinabi nito na sa kabila ng pandemya, ang bagong port operations building sa Port of Dumaguete ay nakumpleto noong Oktubre 15, 2020 sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng DOTr, Philippine Ports Authority at concerned agencies na katuwang ng pamahalaan.

“This 114 million two story facility which includes the port integrated clearing house conducive to office spaces for PPA Dumaguete employees, and the pre-departure area capable of accommodating another 500 passengers is expected to raise over P13 million annually in passenger terminal fee collection,” ayon sa pangulo.

“It will allow the public to enjoy spacious and comfortable pre-departure area. Further, it will provide our PPA Dumaguete employees, regulatory agencies and other offices to be located here, the state of art facilities of monitoring and facilitating the efficient arrival or departure of passengers,” dagdag na pahayag nito.

Habang nakikipagsapalaran aniya ang lahat sa kahalintulad na proyekto sa buong bansa ay inulit ng pangulo ang kahalagahan ng lahat ng infarastructure projects sa tamang oras at kung maaari ay sa loob ng kanyang administrasyon na may “least inconvenience” sa publiko at mahigpit na pagsunod sa “highest standards” ng katapatan at integridad para mapigilan ang korapsyon.

Nauna nang pinangunahan ni Duterte ang pormal na inagurasyon ng development projects sa Dumaguete Airport.

Sa kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng Development Projects sa Dumaguete (Sibulan) Airport sa Brgy. Boloc-Boloc, Sibulan, Negros Oriental ay sinabi nito na ang P252 million rehabilitation projects ay kinabibilangan ng “expansion of the existing passenger terminal and administrative buildings, asphalt overlay of the railways as well as shoulder grade correction, and construction of additional taxiways to allow the airport to accommodate heavier aircraft and increase its passenger volume capacity.”

Sa kabilang dako, pinuri ng pangulo ang Department of Transportation, Civil Aviation Authority of the Philippines at ang lahat ng naging kaagapay ng pamahalaan na nagbigay ng kontribusyon upang makumpleto ang proyekto sa kabila ng biglaang lockdown dahil sa pandemic.

“I hope this project would inspire us further to provide better services and opportunities for our people and harness the potential of trade and tourism as the catalyst for economic recovery particularly in the provinces,” ayon sa pangulo.

Tiniyak naman ng Chief Executive sa publiko na mananatiling committed ang pamahalaan para tapusin ang lahat ng infrastructure projects sa tamang oras kung maaari sa ilalim ng kanyang pamumuno.

At habang ginagawa aniya ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para buhayin ang ekonomiya ng bansa at bigyan ng magandang oportunidad ang mamamayan para makabangon at magkaroon ng maayos na pamumuhay ay umapela ang punong ehekutibo sa lahat na patuloy na sundin ang itinakdang health at safety protocols maging sa loob ng tahanan o sa pampublikong lugar lalo na sa transportasyon. (CHRISTIAN DALE)

118

Related posts

Leave a Comment