DEPOSIT INSURANCE COVERAGE, ITATAAS

PINAG-AARALAN ni Senador Sonny Angara ang posibilidad ng pagtataas ng deposit insurance coverage na ibinibigay ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) mula sa kasalakuyang P500,000 ay gagawing P1 million kada depositor.

Alinsunod sa Senate Bill 2089 na inihain ni Angara, nais nito na magkaroon ng pag-amyenda sa charter ng PDIC upang mas makatugon sa nagbabagong financial landscape ng bansa.

Kabilang sa isinusulong na pag-amyenda ay itaas na sa P1 milyon ang deposit insurance coverage ng PDIC.

Batay sa datos ng PDIC hanggang noong September 30, 2020, nasa 96.7 percent o 76.1 milyon ng 78.7 milyong total deposit accounts ang nananatili sa 537 na bangko sa buong bansa na fully insured.

Tumaas ito ng 11.8 percent mula sa 68.1 million na nairecord sa kaparehong panahon noong 2019.

Iniulat din ng PDIC ang double-digit na paglago na 11.7 percent sa kabuuang deposit accounts sa mga bangko sa bansa habang ang total deposit ay lumago ng 9.5 percent kada taon mula P13.1 trillion hanggang P14.3 trillion.

“It is encouraging to note that more and more Filipinos are now saving money by depositing these in our banks. In order to further boost their confidence in the banking system, especially during these very challenging times, we are proposing to increase by 100 percent the deposit insurance coverage,” saad ni Angara.

Batay sa panukala, isasalang sa review ng PDIC Board of Directors ang maximum deposit insurance coverage kada tatlong taon.

Upang maiwasan din ang overlap sa obligasyon ng PDIC at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), isinusulong sa panukala ang pagbabago sa kapangyarihan ng state deposit insurer.

“There is so much uncertainty in the lives of almost all Filipinos at this time and keeping their savings secured is all the more important to them. We want to reinforce the people’s trust in the banking system with this measure and further strengthen the mandate of PDIC, not only as the insurer of deposits but as liquidator of troubled banks,” diin pa ni Angara. (DANG SAMSON-GARCIA)

96

Related posts

Leave a Comment