AYUDA NG US SA PINAS UMABOT NA SA PHP 247.5-B

UMAABOT sa $5.1 billion dollars o katumbas ng Php 247.5 bilyon ang ayudang naipagkaloob ng America sa Pilipinas sa pamamagitan ng USAID simula taong 1961.

Base ito sa foreign assistance portfolio ng United States na inilabas ng US Embassy in Manila matapos lumagda ang mga nangungunang development agencies ng United States at Republic of Korea kahapon sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para isulong ang development cooperation sa Pilipinas.

Sina U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law at Korean Ambassador to the Philippines Inchul Kim kasama sina USAID Philippines Mission Director Lawrence Hardy II at Acting KOICA Philippines Country Director Jasesang Hwang ang mga kumatawan para sa MOU signing sa US Embassy sa Manila.

“The United States is proud to partner with the Korean government on projects to promote mutual development goals in the Philippines.

Together, we are supporting the Philippine government in creating a more prosperous, sustainable society for all Filipinos,” ayon kay Chargé d’Affaires Law.

Layunin ng nasabing MOU na mapalakas ang US-Korean partnership para sa tuloy-tuloy na development sa bansa.

Nabatid na nakapaloob ito sa global MOU for development cooperation na nilagdaan ng USAID sa Washington, DC at ng Korean Ministry of Foreign Affairs nuong 2019.

Sa ilalim ng ng nasabing kasanduan, ang USAID at KOICA ay magsasagawa pa ng mga karagdagang pag-aaral hinggil sa areas of cooperation at posible pang development program sa ibang sector sa bansa. (JESSE KABEL)

155

Related posts

Leave a Comment