BUBBLE TRAINING SA OLYMPICS IBINALIK

PINAYAGAN na ng pamahalaan ang mga national athlete na ipagpatuloy ang kanilang “bubble” training para sa nalalapit na Olympics.

Subalit, kailangan na mahigpit na sundin ang health at safety precautions para maiwasan ang anomang coronavirus transmission.

Sa huling resolusyon, partikular na nais ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga atleta ay ang bawasan ang pakikipag-ugnayan sa mga tao sa labas ng training bubble bilang bahagi ng pag-

iingat laban sa outbreak.
Ang patuloy na pagsasanay ng Olympic hopefuls ay gagawin sa Calamba, Laguna, kabilang sa rekomendasyon na inaprubahan ng IATF sa isinagawang pulong via video conference, noong Huwebes, Abril 15.

Ang 2020 Tokyo Olympics ay ipinagpaliban ng isang taon dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso ng coronavirus.
Ang global sporting event ay nakatakdang buksan sa Hulyo 23, 2021. (CHRISTIAN DALE)

91

Related posts

Leave a Comment