Hindi lang bumoboto tuwing eleksyon PATAY NAKAKUBRA RIN NG AYUDA

(BERNARD TAGUINOD)

IBINUKING ng isang kongresista na maging ang mga patay, menor de edad, umuwi na ng probinsya at naninirahan sa ibang bansa ay nakasama sa beneficiaries ng P22.9 million ayuda sa mga residente sa National Capital Region (NCR) plus na isinailalim sa ECQ ng dalawang linggo.

“My office received inquiries and reports on questionable beneficiaries. This comes as no surprise, but clearly, the DSWD and the COA should look into this,” ani PBA party-list Rep. Jericho Nograles.

Inihalimbawa ng mambabatas ang mga kaso umano sa Brgy. 44, Pasay City kung saan isang recipient na namatay noong Agosto 2020 at isang house helper na umuwi na sa Mindanao ay nakasama pa sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang beneficiaries.

Ipinagtataka aniya ng mga residente sa nasabing barangay kung bakit kasama sa beneficiaries ang mga bata kahit hindi sila kuwalipikado kaya iminungkahi nilang imbestigahan ito.

“In that same barangay, a kasambahay who had already left for Mindanao was still listed, and, in contrast, another kasambahay who is still a resident in the area had been de-listed. It is easy to suspect and surmise, but it is the duty of government to find out why and how did this happen,” ayon sa mambabatas.

Sa Cainta, Rizal naman aniya ay isang beneficiary na matagal nang naninirahan at nagtatrabaho sa Qatar ay nasa listahan pa rin ng DSWD sa beneficiaries ng P1,000 ayuda.

Dahil dito, hiniling ng mambabatas sa DSWD at maging sa Department of Interior and Local Government (DILG) na alamin kung paano nangyari ang mga bagay na ito at panagutin ang mga nagkasala.

Hindi aniya ito biro lalo na’t hindi lahat ng mga residente sa NCR, Rizal, Laguna, Cavite at Rizal ay makatatanggap ng P1,000 ayuda matapos isailalim sa ECQ dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.

“Kung may dagdag-bawas sa listahan, dapat lalong suriin yan. I hope DSWD can defend the listing because Technical Malversation and Malversation of Public Funds is a serious crime that must be reported,” ayon pa sa kongresista.

Matagal nang isyu tuwing eleksyon sa Pilipinas na may mga bumoboto gamit ang pangalan ng mga namatay.

95

Related posts

Leave a Comment