Ni JOEL O. AMONGO
Dahil sa pagtugon ng Bureau of Customs na mapaigting pa ang border security, ipinatupad ng ahensiya sa pamamagitan ng kanilang Risk Management Office (RMO) ang tinatawag na ‘selectivity updates’ upang mapabuti ang kampanya laban sa smuggling at border protection.
Dahil dito, ang ‘selectivity adjustment’ ay nagresulta sa pagdami ng mga containers na hindi na kailangan pang isailalim sa pisikal na eksaminasyon partikular na sa Manila International Port o MIP.
At upang mapangasiwaan ng husto ang mga ito, nakipagtulungan ang Manila International Container Port (MICP) sa X-ray Inspection Project (XIP), Inspection Unit (IU), Port Formal Entry Division (PFED), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at Piers and Inspection Division (PID) sa pagpapatupad ng 24 oras na eksaminasyon sa mga shipments.
Sa kasalukuyan, ang MICP ay matagumpay na natugunan ang pagtaas ng bilang ng mga dumadating na containers na isinasailalim sa eksaminasyon.
Dahil dito, siniguro ni MICP District Collector Romeo Allan Rosales, na patuloy nilang itataguyod ang mga patakaran na makatutugon sa pagdami ng bilang ng mga containers na kanilang iniinspeksyon.
Pinasalamatan din ni Rosales ang pasensiya ng lahat ng mg stakeholders sa patuloy na pagpapaunlad pa sa border security efforts.
Tiniyak din ni Collector Rosales na patatatagin pa nila ang kanilang mandato na protektahan ang ating mga hangganan at mananatiling seryoso sa pagpapatupad ng mga patakaran upang lalo pang maisakatuparan ng maayos ang kalakalan batay sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
