DILG TUMINDIG PARA SA PONDO NG NTF-ELCAC

TUMINDIG si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año para mapanatili ang P16.44 bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Hiniling ni Año sa mga senador na huwag bawasan o ilipat sa ibang ahensya ng pamahalaan, ang P16.44 bilyon.

Nagsalita ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos bantaan ng ilang senador ang mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC na titigpasin ang multi-bilyong pondo nito kapag hindi tumigil sa maling mga diskarte nito laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ang DILG ay katuwang ng NTF-ELCAC sa paglaban at pagpapabagsak sa CPP-NPA.

Tiniyak ni Año na iiral ang transparency sa pagpapatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa 822 barangay na matatagpuan sa mga liblib na bahagi ng bansa.

Ang nasabing mga barangay ay dating ‘base’ at ‘kuta’ ng mga NPA na iniwan ng huli mula noong 2019.

“The government’s efforts in clearing these barangays of communist terrorists will be put to waste if we suddenly leave them hanging now that they have been freed from the clutches of communist terrorist groups. We therefore appeal to our Senators not to deprive these barangays of government support and assistance now that they need us most,” birada ni Año.

Isa sa mga adyenda ng administrasyong Duterte ang pagtatapos sa limang dekadang armadong pakikibaka ng CPP-NPA.

Una sa adyenda ng CPP-NPA ang pagtatayo ng rebolusyonaryong pamahalaan na kontrolado ng pangkat ng mga namumuno sa kilusan. (NELSON S. BADILLA)

96

Related posts

Leave a Comment