MULING nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa pagbuhay ng parusang kamatayan.
Giit ng Pangulo, basta’t karumal dumal na krimen lalo na’t ginawa ang krimen sa mga inosente sabi ng Pangulo ay dapat pang na maibalik ang capital punishment.
Aniya, hindi naman pinawalang saysay kundi sinuspinde lamang ang death penalty.
“I have always been for the restoration of the death penalty. Wala man — the law was — I think the law was not abrogated, suspended lang. So wala. Sinuspend (suspend) lang ‘yong mga — just ‘yong the act of killing a criminal,” ayon sa pangulo.
“Ako, basta heinous crime, heinous crime, drugs tapos ‘yong nangyayari ng — sabi mo ‘yong the atrocities committed against so many innocent persons. Iyong bata diyan sa Makati na kinatay, ipinako pa diyan sa kawayan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Punong Ehekutibo na hanggang ngayo’y hindi pa rin maintindihan ng human rights ang sitwasyon lalo na ng mga pulis na kailangang depensahan ang kanilang mga sarili laban sa mga kriminal.
Binigyang diin ng pangulo na hindi drama lang ang panlalaban at pang-aagaw ng baril ng ilang mga nahuhuling kriminal na nuong alkaade pa lamang siya’y tatlo niyang mga pulis ang nalagas dahil sa ganitong mga insidente. ( CHRISTIAN DALE)
