“THE ultimate test of a man is not where he stands in times of comfort, but where he stands in times of trials and controversies.”
Ito ang sinabi ni PNP-Police Regional Office 5 Regional Director PBGen. Jonnel C. Estomo matapos na ihayag ang pagkakadakip sa itinuturing nilang no. 4 most wanted communist terrorist sa kanilang nasasakupan.
Kinilala ni General Estomo ang nadakip na kasapi ng communist terrorist group Communist Party of the Philippine-New People’s Army-National Democratic Front na si Jessie Rosales Dela Cruz alyas “Ka Jessie,” residente ng Brgy. Cabangrayan, Pio V. Corpus, Masbate.
Sinasabing si Dela Cruz ay isang hardcore member ng communist terrorist group at aktibong kasapi ng Larangan 2, Kilusang Partido 4 na kumikilos sa 3rd District ng Masbate Province, sa ilalim ng pamumuno ni Narciso Lape Hao alyas “Ka Manong”.
Ayon kay Gen. Estomo, si Dela Cruz na nagpapanggap na isang habal-habal driver ay high ranking NPA commanding officer ng Larangan 2, Provincial Committee sa Southern Masbate.
Ang itinuturong terorista na kasapi ng Militiang Bayan, Larangan 2, Kilusang Partido 4 at may underground name na Jessie Rosales alyas “Ka Jessie” ay sangkot sa pananambang sa mga pulis ng Pio V. Corpus MPS noong Agosto 2018 sa Brgy. Alegria.
Bukod sa serye ng mga brutal na pagpatay sa ilang tao sa Masbate at iba pang bahagi ng Bicol Region, base sa intelligence reports, nagsisilbi rin ang suspek bilang pinuno ng liquidation squad.
Si Dela Cruz ay nadakip sa Brgy. Cabangrayan, Pio V. Corpus, Masbate ng mga operatiba ng PNP-PRO5 RSOU sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa RA 9851 (Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law, Genocide and other Crimes against Humanity, na inisyu ni Hon. Igmedio Emilio F. Camposano, presiding judge ng Branch 49, 5th Judicial Region, Cataingan, Masbate City.
Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing suspek.
Katuwang sa law enforcement operation laban sa suspek ang Pio V. Corpus MPS, RIU 5-Masbate, RID5, PIU-Masbate PPO, 2nd PMFC at 2nd infantry Battalion, 9th Infantry Division, Philippine army.
Ani Estomo, “To say that PRO 5 is presently facing a tough road would be an understatement. We cannot be defeated by these factors. I want to look back to this day and proudly say that I rose to the occasion. As for now, it remains to be a vision, but rest assured PRO 5 will address this with a brave heart and a fiery spirit. ”
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Pio V. Corpus MPS lock-up jail at sumasailalim sa tactical interrogation ng mga pulis. (JESSE KABEL)
