Wanted sa illegal gambling 3 KOREANO TIMBOG SA MAKATI

ARESTADO sa mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Korean na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pag-o-operate ng illegal gambling sites.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang tatlong nadakip na sina Cho Chang Joo, 26; Beom Dawon, 26, at Hong Changwoo, 29, naaresto noong Martes ng hapon sa isang condominium unit sa Brgy. San Lorenzo, Makati City ng mga operatiba mula sa Bureau’s Fugitive Search Unit (FSU).

Ang tatlo ay inaresto ayon sa kautusan ni Morente matapos hilingin ng South Korean authorities at impormahan ang BI na ang nasabing mga Koreano ay pawang undocumented aliens dahil kinansela ang kanilang mga pasaporte.

Sa report ni BI FSU Chief Bobby Raquepo, ang tatlo ay pakay ng arrest warrant na inisyu ng district court ng Busan, South Korea kung saan sila ay kinasuhan ng paglabag sa batas ng kanilang bansa na may kaugnayan sa illegal gambling.

“The three will face deportation and will be sent back to their country of origin to face Korean courts,” ayon kay Morente. “They will likewise be included in the Bureau’s blacklist, effectively barring them from re-entering the country,” dagdag pa niya.

Ang tatlong South Koreans ay pakay rin ng red notice na inisyu ng Interpol noong 2019.

Ayon sa impormasyon na nakalap mula sa BI, ang tatlo ay kinasuhan ng paglabag sa South Korea’s National Sports Promotion Act dahil sa pagbuo ng gambling sites sa Internet.

Napag-alaman pa mula sa South Korean prosecutors, nagsimula ang raket ng tatlo noong 2019 nang buksan ang sports betting websites para kumita ng pera mula sa online gamblers.

Ang mga dayuhan ay pansamantalang nakakulong sa BI warden facility sa Taguig City habang nakabinbin ang implementasyon ng deportasyon sa mga ito.

Kapag napatunayan sa kaso ang mga suspek ay mahaharap sa parusang maximum jail term na pitong taon. (JOEL O. AMONGO)

116

Related posts

Leave a Comment