31 DRUG PUSHERS NAKORNER SA CAVITE

CAVITE – Muling nadagdagan ang bilang ng umano’y mga tulak ng ilegal na droga sa Cavite Custodial Center makaraang 31 pa ang nadakip, kabilang ang dalawang high value individual, sa buy-bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operations mula ala-1:00 ng madaling araw noong Lunes hanggang alas-12:15 kahapon ng madaling araw nitong Martes sa limang lungsod at tatlong bayan ng nabanggit na lalawigan.

Nanguna ang Dasmariñas City sa may pinakamaraming tulak ng ilegal na droga na nadakip, 7; sumunod ang Cavite City at Bacoor City na tig-anim; apat sa Gen. Trias City; habang tatlo sa Naic; tig-dalawa ang Alfonso at General Mariano Alvarez (GMA) at isa sa Imus City.

Tinatayang 6.60 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P44,880 ang nakumpiska sa dalawang high value individual na sina Jojo Arendela at Raprap Mariano, kapwa residente ng GMA, Cavite sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Elises, Block 8, GMA, at Brgy. Elises, Congressional Road, GMA dakong alas-7:00 at alas-9:00 noong Lunes ng gabi. (SIGFRED ADSUARA)

148

Related posts

Leave a Comment