2 BARKO NAGBANGGAAN SA SOUTH HARBOR

NANGANGAMBA ang Philippine Coast Guard na maaaring magkaroon ng oil spill kung hindi agad maaksiyunan ang nangyaring banggaan ng isang cargo vessel at isang foreign utility vessel sa karagatang sakop ng South Harbor Anchorage Area nitong Huwebes ng madaling araw sa Port Area, Manila

Batay sa ulat ng PCG, bandang alas- 2:10 ng madaling araw nang magbanggaan ang MV Palawan Pearl at BKM 104.

Ayon sa PCG, ang MV Palawan Pearl ay nakalubog na ang kalahating bahagi at may “oil sheen” sa paligid ng cargo vessel.

Nabatid kay Rexchel Fabrigas ng MV Palawan Pearl, naglalaman ng 3,000 litro ng diesel ang oil storage tank ng vessel.

Bukod pa rito ang drum ng diesel oil, 60 liters ng engine oil at limang litro ng bilge oil.

Ang vessels ay nasa 100 metro ang layo mula sa Baseco Beach shoreline.

Dahil dito, naglagay na ng oil spill boom ang PCG Marine Environmental Protection Command para makontrol ang posibleng oil spill sa lugar.

Ang BKM 104 naman ay isang foreign utility vessel na inupahan para magsagawa ng dredging at iba pang development activities sa gusali ng itinatayong New Manila Airport.

Wala namang nasugatan o namatay na tripulante sa dalawang barko sa nasabing insidente.

Pinayuhan ng PCG ang dalawang barko na maghain ng marine protest sa hinggil sa nangyaring banggaan sa dagat. (RENE CRISOSTOMO)

176

Related posts

Leave a Comment