DEKALIDAD NA COLLEGE EDUCATION GIIT NG SOLON

BAGAMA’T makatutulong sa professional development ng mga guro ang mga training o pagsasanay kapag nagsimula na silang magturo o ang tinatawag na in-service training, nanindigan si Senador Win Gatchalian na dapat makatanggap ang mga nagbabalak maging guro ng dekalidad na edukasyon sa kolehiyo pa lamang o sa pre-service training.

Ang pag-reporma sa sistema ng edukasyon para sa mga guro ang isa sa mga panukala ng Senate committee on basic education, arts and culture noong una nitong kinilala noong 2020 na ang sektor ng edukasyon ay nababalot sa isang krisis. Bagama’t mas madali ang pagkilala at pagdeklara ng isang krisis dahil sa mababang mga marka ng mga mag-aaral ng bansa sa mga international large-scale assessments, mas mahalaga para kay Gatchalian ang pagsulong at pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma upang mawakasan ang naturang krisis.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na karamihan sa mga nagtapos sa Teacher Education Institutions (TEIs) sa bansa ay hirap makapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET). Mula 2010 hanggang 2019, tatlumput limang (35) porsyento lamang ang nakapasa para sa secondary level, samantalang dalawampu’t walong (28) porsyento naman ang nakapasa sa elementary level. (ESTONG REYES)

113

Related posts

Leave a Comment