ARESTADO sa mga operatiba mula sa iba’t ibang police stations ng Quezon City Police District ang 28 sugarol sa pinaigting na kampanya laban sa illegal gambling sa Quezon City.
Nadakip ng Novaliches Police Station (PS 4), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, ang apat na mga suspek sa pagsasagawa ng tupada dakong alas-9:30 ng umaga noong Hulyo 18, 2021 sa isang bakanteng lote sa Goldmine St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.
Naaresto ng mga tauhan ng PS 4 ng tatlong suspek dahil sa paglalaro ng cara y cruz dakong alas-5:30 ng hapon noong Hulyo 18, 2021 sa bakanteng lote sa London Drive St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
Nahuli naman ng mga operatiba ng Talipapa Police Station (PS 3), sa pangunguna ni P/Lt. Col. Christine Tabdi, ang dalawang suspek dahil sa pagsasagawa ng tupada dakong alas-10:00 ng umaga noong Hulyo 18, 2021 sa M. Aquino St. Shrine, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.
Hindi rin nakalusot sa mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS 14), sa pamumuno naman ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, ang apat na suspek sa paglalaro ng cara y cruz dakong ala-1:00 ng hapon noong Hulyo 18, 2021 sa bakanteng lote sa Himalayan Road, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Dalawang suspek ang nahuli ng PS 14 dahil sa tupada dakong alas-3:30 ng hapon noong Hulyo 18, 2021 sa Visayan Avenue Extension, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Apat na suspek ang nadakip din ng Pasong Putik Proper Police Station 16 dahil sa paglalaro ng cara y cruz dakong ala-1:30 ng hapon noong Hulyo 18, 2021 sa Geronimo St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.
Nadakip ng Cubao Police Station (PS 7), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Ma. Edna Catilogo ang siyam na suspek sa paglalaro ng online cockfighting gamit ang cellular phone dakong alas-10:25 ng hapon noong Hulyo 18, 2021 sa Araneta City Bus Terminal parking lot, Araneta City, Brgy. Socorro Cubao, Quezon City.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) habang ang mga menor de edad ay dinala sa Quezon City Social Services Development Department para sa kaukulang intervention. (JOEL O. AMONGO)
