Solon sa binuong Project Kasangga DUTERTE, GO ISASALBA SA OVERPRICED DEALS

DUDA ang isang mambabatas sa Kamara na gagamitin lamang pansalba kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher ‘Bong’ Go ang binuong Anti-Corruption Coordinating Council sa ilalim ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon kay Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite, posibleng gagamitin lamang ang ACCC pabor kay Pangulong Duterte at kanyang mga kaalyado na nasasangkot ngayon sa umano’y maanomalyang bilihan ng COVID-19 supplies.

“The president said in several instances that he’s already inutile in solving corruption. Kaya pala inutil kasi sila ang sangkot,” ani Gaite na ang tinutukoy ay ang pagbili ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) ng overpriced umanong face mask, face shield at iba pang medical kits.

Tauhan ng Malacañang ang dating pinuno ng (PS-DBM) na si Lloyd Christopher Lao at mga kaalyado naman umano ni Duterte ang mga may-ari ng Pharmally Pharmaceutical Corporation tulad ni Michael Yang.

Si Lao ay dating opisyal ng Presidential Management Staff (PMS) na isa sa mga tanggapan na nasa ilalim ng Special Assistant to the President (SAP) na dating pinamumunuan ni Sen. Bong Go.

Kaya duda si Gaite sa motibo ng biglang pagbuo sa ACCC na tatawagin umanong Project Kasangga.

Ayon sa ulat, magiging mandato ng ACCC ang lansagin ang mga tiwali sa gobyerno.

“Ngayon biglang nabuhayan sila kasi dumudulo sa kanilang paanan ang trail of evidence. Itigil na nila itong drama na ito. Itigil nila ang pagpapanggap. Let the Senate continue its investigation without being attacked by the president. Let them make recommendations, and let the Ombudsman investigate and file appropriate cases,” ani Gaite.

Fall guys isasakripisyo?

Nababahala rin ang mambabatas sa misyon ng ACCC dahil posibleng ipinanukala ito ng Malacañang upang iligtas ang mga utak ng katiwalian sa gobyerno at maghanap ng mga taong inosente para isakripisyo.

“Ang malala dito ay baka maglunsad lang ito ng pekeng imbestigasyon, magtuturo ng mga fall guys, at iaabswelto ang mga big fishes at iyong mga konektado sa Malakanyang,” ayon pa sa mambabatas.

“Project Kasangga is indeed a good choice for a name. Mukhang binuo ito para sanggain ang mga isyu ng anomalya, to deflect the corruption issues that are now hounding the Duterte administration, the officials and individuals that are very close to the president,” ani Gaite. (BERNARD TAGUINOD)

111

Related posts

Leave a Comment