KALEI MAU DOBLE-KAYOD PARA SA PWNVT

BATID ng Hawaii-born volleybelle na si Kalei Mau na gahol na sa oras ang Philippine ­Women’s National Volleyball Team (PWNVT), na sasabak sa AVC Asian Women’s Club Championship sa susunod na buwan.

Nanghihinayang din ang Filipino-American player na hindi siya makapagpraktis kasama ang national squad.

Kaya hataw siya sa training para kondisyon siya sa ­sandaling mag-join sa pambansang koponan sa Nakhon Ratchisima, Thailand kung saan isasagawa ang AVC Club sa Oktubre 1 hanggang 7.

“I am always so grateful to come home and have the resources and people to help me get better! Not being able to train with the Philippine National team in preparation of the upcoming tournament makes me want to work much even harder on my end,” Instagram post ni leimau.

Ipinakita pa niya sa IG ang puspusang pagsasanay kasama ang isa pang dapat ay maglalaro sa PWNVT na si Alohi Robins Hardy.

“Mahalo to Uncle Bob @volleyhawaii & my forever teammate & sista @alohirobinshard for this morning’s session. #Sambansa #filhawaiian.”

Ang 6-foot-1 power hitter na si Mau ay huling naglaro sa local league para sa F2 Logistics. (ANN ENCARNACION)

274

Related posts

Leave a Comment