(Ni LILIBETH JULIAN)
Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Gregorio Honasan bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communicatons Technology (DICT).
Kahapon ng umaga nang ilabas na ng Malacanang ang nomination paper ni Honasan para sa posisyon matapos lagdaan ng Pangulo noong November 20 ang nomination nito, pero kinakailangan muna itong aprubahan ng Commission on Appointment (CA) dahil nasa end session pa ngayon ang Kongreso.
Makauupo lamang si Honasan sa puwesto bilang kalihim ng DICT kapag natapos na itong makumpirma ng CA.
Itinalaga sa DICT si Honasan kapalit ni DITC Acting Secretary Eliseo Rio, tyempo sa pagpasok ng ikatlong Telecommunications players sa bansa.
Magugunitang nanalong bidder ang Mislatel para sa ikatlong kumpanya ng telecommunication na gagana sa bansa sa lalong madaling panahon.
187