Ni ANN ENCARNACION
MAYROONG kakaibang sakit ang tinaguriang “Living Legend” ng PBA na si Robert Jaworski.
Sa pahayag ni Dr. Edwin Bien, isang integrated medicine practitioner, maaaring may ‘high ferritin disorder’ ang dating basketball player-coach, na nagpasikat din ng “never-say-die” mantra ng Barangay Ginebra.
Inamin ni Bien, ang kanyang obserbasyon ay base lang sa naging pahayag kamakailan ng dati ring basketball player na anak ni Jaworski na si Dodot Jr.
“Iron level is high, but at the same time anemic siya,” ang sabi ni Dodot kay Randy Caluag ng Manila Standard.
“We’ve been trying to look for doctors here and abroad, but none of them can understand kung ano ‘yung nangyayari sa kanya,” pahayag naman nito kay Anthony Taberna sa Youtube channel ng huli.
Paliwanag ni Bien, ang ‘high ferritin disorder’ ay kadalasang resulta ng maramihang pag-inom ng alcohol. At dahil kilalang hindi alcohol drinker si Jaworski, maaaring may ibang dahilan ang kanyang sakit, na mas nakababahala. “Ang mahirap, if the cause is due to other conditions like genetics, leukemia, lymphoma or thyroid disorder.”
Ayon sa Mayo Clinic: “A ferritin test helps your doctor understand how much iron your body stores. If a ferritin test reveals that your blood ferritin level is lower than normal, it indicates your body’s iron stores are low and you have iron deficiency. As a result, you could be anemic.”
Sinabi ni Dodot, kandidatong vice mayor ng Pasig sa 2022 elections, ang kanyang 75-anyos na amang nakatakdang maluklok sa Hall of Fame ng Philippine sports ay nasa maayos na kundisyon kumpara noong mga nakaraang taon. Ngunit humiling siya ng dasal sa lahat para sa tuluyang paggaling ng “Living Legend.”
