TORREVILLAS, ISINUSUKA RAW NG MGA TAGA-MATAG-OB DAHIL SA PANUKALA VS E-SABONG

LUMALAMYA raw ang kampanya ngayon ni Matag-ob, Leyte Mayor Michael Torrevillas.

Ito’y dahil daw sa pagsuporta niya sa panukala laban sa e-sabong o online sabong.

Sa halip daw kasi na ibasura ang panukala dahil maraming mahihirap na umaasa sa e-sabong ay natuwa pa si Torrevillas sa resolusyon laban dito.

Sinasabing pinuri pa ng alkalde ang Sangguniang Bayan (SB) sa pagpasa nito ng resolusyon bilang pagpapakita ng pagtutol sa e-sabong sa bansa.

Noong nakaraang buwan daw kasi, lumusot ang reso ng SB kung saan nanawagan ito sa ­Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ­awatin ang operasyon ng e-sabong.

Iginiit din ng SB members na dapat i-ban ang online gambling.

Marahil daw, iniisip ni ­Torrevillas na makabubuti ito sa kanya. Kabaliktaran daw ang nangyari.

Paano, maraming mahihirap at botante sa kanilang bayan na umaasa lang sa sabong at e-sabong.

‘Yung iba, empleyado at talagang aficionados ng sabong na hindi mo puwedeng awatin ang hilig at nakagawian na.

Kung hindi ako nagkakamali, si Councilor Paciente Cubillas Jr. pa raw ang naging awtor ng reso at unanimous ang resulta ng botohan.

Para sa kanila, naging ­chronic problem na raw sa lipunan ang e-sabong kaya tinututulan nila ito.

Ang hindi nila alam, ­ma­raming mawawalan ng ­hanapbuhay kapag inalis nila sa kanilang lugar ang e-sabong.

Sabi ko nga, maraming bisdak ang umaasa riyan.

Kumbaga, ang iba ay ginagawa itong kabuhayan at malawak din ang dulot nitong oportunidad.

‘Yung mga walang trabaho, nagkakaroon dahil sa e-sabong.

Malinaw rin na puro tsismis lang ang sinasabi nilang may namamatay at iba pang isyu dahil sa sugal. Wala silang patunay rito.

Antigo na ang sabong at hindi naman siguro maaaring alisin mo ito sa buhay ng mga mahihirap na Pinoy na dito lang kumukuha ng kasiyahan at pagkakakitaan.

Oo, masama nga raw ang ­illegal gambling.

Ngunit hindi dapat ipagbawal ang e-sabong dahil legal ito o may prangkisa at napakarami ng mga tinutulungan nito.

Ang nangyayari tuloy, mahina na ang suporta ng tao kina Torrevillas at Cubillas.

Kapag nagkataon, sa kangkungan pupulutin ang dalawang mamang ito pagdating ng halalan.

Siyempre, tinatandaan sila ng mga taga-Matag-ob.

At tiyak na ang mayorya o mga mawawalang boto ni Torre­villas ay mapupunta kay Mr. Bernie Tacoy na kalaban ngayon ng una sa mayoral race.

Abangan!

306

Related posts

Leave a Comment