ROCKETS SADSAD SA SIXERS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

KUMUBRA si Joel Embiid ng 31 points, eight rebounds at six assists at pinangunahan ang Philadelphia 76ers sa 111-91 win kontra Rockets, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) sa ­Houston, Texas.

Isinumite rin ni Embiid ang kanyang seventh straight 30-point game, 9-of-16 sa field at naipasok lahat ng 13 free throws niya. ­Kinubra din ng Sixers ang ikapitong sunod na panalo.

Siya ang ikalawang player sa NBA history na umiskor ng eksaktong 31 points sa apat na sunod na laro. Si Bob McAdoo ang ­unang gumawa nito para sa Buffalo Brads noong Nobyembre 1973.

Bago ang laro, si Embiid ay may average na 26.8 points per game, pang-anim sa NBA.

Hawak ng Philadelphia ang longest winning streak sa Eastern Conference at second-longest run sa NBA sa likod ng Memphis’ nine-game run.

Nagdagdag si Andre Drummond ng 13 points at 11 rebounds (off the bench) para sa Philadelphia. Habang sina Tobias Harris, Furkan Korkmaz, Matisse Thybulle at Isaiah Joe ay may tig-13, 12, 10 at 10, ayon sa pagkakabanggit.

Hindi nakalaro si Seth Curry sanhi ng left ankle soreness. At si Danny Green ang pumalit sa kanya at umiskor ng five points sa 20 minutes.

Abante ang Philadelphia, 36-27 matapos ang first quarter at 62-50 sa halftime.

Sina Christian Wood at Jalen Green, may 14 points para sa Houston, habang si Josh Christopher ay 13 at 12 kay Daniel Theis.

Wala sa lineup ng Rockets si shooting guard Eric Gordon, may iniindang right groin tightness.

May 21 turnovers ang ­Houston na nai-convert ng Sixers sa 29 points at 11 points naman sa transition. Na-outscore din ng Philadelphia ang Houston, 56-28 sa paint.

Laglag ang Rockets sa 11 ng 12 laro nito at 11-31 sa season.

PACERS NANAIG
SA CELTICS

NANGAILANGAN pa ng ekstrang limang minuto bago naitakbo ng Boston Celtics ang 101-98 win kontra Indiana Pacers, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) sa unang gabi ng home-and-home series ng dalawang team.

Umiskor si Jaylen Brown ng 26 points at may 24 naman si Jayson Tatum para sa Celtics.

”We stuck with them and ran them a little bit longer, but we knew the importance of this game,” lahad ni Boston coach Ime Udoka patungkol sa kanyang dalawang stars (Brown at Tatum).
Si Robert Williams III, may 14 points at 12 rebounds para sa Boston, pang-apat na panalo sa anim na laro.

Narendahan si Pacers ­scoring leader Domantas Sabonis sa 11 points, pero may 23 rebounds, at 10 assists, matapos umiskor ng career-best 42 points sa sinundang laro.

Ang Boston ay nasa play-in playoff spot, 10th overall. Pang-13 naman ang Indiana.

Top scorer sa Pacers si Torrey Craig, 19 points, habang si Lance Stephenson ay may 14, pero mintis sa potential tying 3-pointer bago matapos ang OT.

Ikapitong talo ito ng Indiana sa walong laro.

“Tough loss,” wika ni Indiana coach Rick Carlise. ”It’s a broken record, but I love the way we’re competing. We just could have had more to show for it tonight.”

Ang one-handed shot ni Brown sa lane ay nagbigay sa Boston ng 93-91 edge, 1 1/2 minute sa OT.

Matapos ma-block ni Robert Williams si Oshae Brissett, bumato si Grant Williams ng tres mula sa right corner na kanyang tanging basket sa laro.

Ibinaba ng Pacers ang iskor sa 98-95 at lumabas ang tres ni Stephenson, sampung segundo na lang.

Buhat sa 101-98 count pabor sa Boston kasunod ng dalawang free throws ni Tatum sa huling 2.5 seconds, naagaw ni Robert Williams ang bola kasabay sa pagtunog ng buzzer.

KNICKS UMISKOR
SA SPURS

KUMANA si RJ Barrett ng 31 puntos sa kanyang first home game sapol nang maitala ang kanyang first career buzzer beater, at inakay ang New York Knicks sa 111-96 win kontra San Antonio Spurs, sa New York.

Nagbalik si Evan Fournier mula sa one-game absence at nagtala ng 18 points para sa Knicks, na umalagwa mula sa dikitang laro, nang ma-outscore ang Spurs 18-2 sa simula ng fourth quarter.

May limang sunod na puntos si Barrett sa pagbubukas ng final period, na nagsimula sa 82-75 count pabor sa Knicks. Sa ­sandaling kumana ang Knicks ng tatlong sunod na 3-pointers para tapusin ang atake nila, 100-77 na ang iskor.

Si Barrett, na noong Huwebes ay walang kakaba-kabang inihagis ang 3-pointer at nagbigay sa Knicks ng 108-105 win kontra Boston.

Inilista rin ni Fournier ang career-high 41 points. Hindi siya nakalaro nang matalo ang Knicks sa Boston noong Sabado sa pagtatapos ng home-and-home game sanhi ng bruised left thigh.

Ikatlong panalo ito ng Knicks sa apat na laro para sa 20-21 slates.

Muli namang nag-struggle si Julius Randle, ang Knicks’ All-Star noong nakaraang season. Pero, frustrated sa kanya ang fans ngayon.

Nang manalo nitong Huwebes laban sa Boston, nag-thumbs down gesture si Randle sa crowd, at pinagmulta ng $25,000 ng NBA ‘for profanity’ nang ipinaliliwanag niya ang motibasyon sa ginawa.

Si Randler ay 1-for-7 at may two points, bagama’t nakahablot ng 12 rebounds.

Na-boo rin siya nang ma-airball ang shot at nagkomit ng turnover, kaya’t maririnig ang “Obi Toppin! Obi Toppin!” chants ng fans humihiling na palitan si Randle.

Nagsumite naman si Dejounte Murray ng 24 points sa Spurs, tinapos ang road trip sa 1-6. May 12 points at 10 rebounds naman si Jakob Poeltl.

Samantala, nagtala si Cade Cunningham ng career-high 29 points nang talunin ng Detroit Pistons ang Utah Jazz, 126-116, matapos habulin ang 22-point deficit.

Nagdagdag si Saddiq Bey ng 29 points sa Detroit, 4-2 sa 2022 makaraang tapusin ang 2021 na may 18 losses sa 19 games.

Si Donovan Mitchell naman ay may 31 points, habang si Hassan Whiteside ay may season-high 21 points at 14 rebounds para sa Utah (28-13), na nanaig ng sampung sunod laban sa Pistons.

Ang Detroit ay hindi pa tinalo ang Utah mula noong Enero 25, 2016, nang si Reggie Jackson ay umiskor ng 29 points at 16 mula kay Ersan Ilyasova. Pero, wala na sa roster ang nasabing players.

Tinalo naman ng Charlotte Hornets ang defending ­champions Milwaukee Bucks, 103-99, habang olat din ang Brooklyn Nets sa kamay ng Portland TrailBlazers, 114-108.

Lusot naman ang Cleveland Cavaliers kontra Sacramento Kings, 109-108.

130

Related posts

Leave a Comment