ISA si retired eight division world champion Manny Pacquiao sa mga unang bumati kay new Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo.
“Congratulations @markmagsayo_MMM on your first world championship! Thank you for bringing honor to our country by becoming the latest Filipino world boxing champion. Welcome to the club,” post ni Pacquiao sa kanyang Twitter account, ilang minuto matapos maagaw ni Magsayo ang titulo ni Gary Russell Jr.
Umangat ang record ni Magsayo sa 24-0 panalo-talo at 16 knockouts, at naging ika-limang Pilipinong kampeon sa mundo.
Ang apat na iba pa ay sina WBC bantamweight champ Nonito Donaire Jr., WBO bantamweight titlist John Riel Casimero, IBF superflyweight ruler Jerwin Ancajas at IBF minimumweight beltholder Rene Mark Cuarto.
“This is my dream. Dreams do come true,” sabi ng 26-anyos na Pinoy matapos talunin ang Amerikanong si Russell Jr.
Si Magsayo ay naging mandatory challenger sa WBC featherweight title nang pabagsakin si Julio Ceja ng Mexico noong Agosto 21, 2021 sa T-Mobile Arena sa Paradise, Nevada. (ANN ENCARNACION)
