(Ni NOEL ABUEL)
Aprubado na ng Senado ang panukalang batas na naglalayong tuyukin ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) bilang pinakamalaking state university sa bansa at gawin itong National Polytechnic University.
Base sa desisyon ng Senate education, arts, and culture committee sa Senate Bill 2037, hiniling ni Senador Francis Escudero, chairman ng komite, sa PUP na magsumite ng datos sa road map na sinusunod ng ibang mga bansa sa pagdedeklara ng mga national universities.
Nais ni Escudero na malaman ang kaibahan ng National University status na ipinagkaloob sa Uni-versity of the Philippines at Mindanao State University kumpara sa National Polytechnic University status na hinihiling ng PUP.
Sa ilalim ng nasabing panukala binibigyan ng karapatan ang PUP na idetermina ang uri ng pag-tuturo at pagpapatupad ng polisiya, programa at standards kung saan irerekomenda rin nito ang taunang budget sa Kongreso at sa Malacanang.
“It is high time that we strengthen the PUP and officially designate it as the ‘National Polytechnic University,’ which will cater to educating and developing the country’s future industry leaders,” sabi naman ni Senador Juan Edgardo Angara, may-akda ng nasabing panukala.
179