EMERGENCY JOBS SA MGA APEKTADO NG BULKANG TAAL

MAGBIBIGAY ang labor department ng emergency employment sa mga residente na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal noong nakaraang linggo.

Tinatayang 1,006 pamilya o 3,649 indibidwal ang apektado ng patuloy na pag-aalboroto ng bulkan.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga residente ay makatatanggap na P4,000 para sa 10 araw na pagtatrabaho, na siyang daily minimum wage sa Calabarzon.

“Ang immediate response ng DOLE (Department of Labor and Employment) ay ‘yung bibigyan sila ng trabaho for 10 days and then give them a salary based on a minimum wage on that region,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi.

Naglaan din ang departamento ng hanggang P100 million na government assistance kapag mas maraming pamilya ang na-displace dahil sa kalamidad.

“We are prepared just in case dadami pa ang mga affected dito sa pag-alboroto ni Taal. We are prepared and I’ve instructed our finance officer to make ready and available P50 to P100 million,” ayon sa Kalihim.

Ang Bulkang Taal, na tinagurian din bilang Pulong Bulkan, na nasa Lawa ng Taal sa Batangas, ay nagkaroon ng phreatomagmatic eruption noong Sabado, nagbuga ng makapal na usok at abo na may ilang daang metro ang taas.

Dahil dito, pinalikas ang mga residente na nakatira sa palibot ng lawa. (CHRISTIAN DALE)

207

Related posts

Leave a Comment