BBM NANGUNA SA 7-ELEVEN SPEAK CUP! VOTE

HINDI maitatanggi ang katotohanan na milya-milya ang layo ng survey ratings ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) laban sa kanyang mga katunggaling presidential aspirants.

Sa isinagawang 7-Eleven Speak Cup! vote as of March 30, 2022, si BBM ay nakapagtala ng 982,251; sumunod si Robredo na may 538,331; pangatlo si Moreno,150,731; pang-apat si Pacquiao, 88,389; panglima si Lacson, 78,520 at ang undecided na may 349,649.

Base sa Island Group: Sa Metro Manila si BBM ay nakakuha ng 41%, North Luzon, 50%; South Luzon, 42%; Visayas, 43%, at Mindanao na may 54%. Pangalawa si Robredo sa Metro Manila sa 27%, North Luzon, 23%; South Luzon, 29%; Visayas, 24%, at Mindanao na 14%. Pangatlo si Moreno sa Metro Manila, 8%; North Luzon, 6%; South Luzon, 6%; Visayas, 7%, at Mindanao 6%; Pacquiao sa Metro Manila, 3%; North Luzon, 4%; South Luzon, 3%; Visayas, 5%, at Mindanao 7%; Lacson sa Metro Manila, 3%; North Luzon, 3%; South Luzon, 3%; Visayas, 4%, at Mindanao, 5% at ang undecided sa Metro Manila, 17%; North Luzon, 14%; South Luzon, 16%; Visayas, 17%, at Mindanao na may 14%.

Kapuna-PUNA sa Island Group na kinabibilangan ng Metro Manila, North Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao ay lahat lamang si BBM laban kay Robredo.

Sa daily cup dates ay ­nangunguna pa rin si BBM na may 45%, samantalang si Robredo ay nasa 25%; Moreno, 7%; parehas naman sina Pacquiao, 4%, at Lacson na 4%.

Sa 37-araw bago maganap ang May 9, 2022 national and local elections ay mahihirapan nang makahabol si Robredo kay BBM sa tinawag na 7-Eleven Speak Up!

Maliban lang kung may uutusan ang kampo ni Robredo na bumili araw-araw ng gulp na kinalalagyan ng nasabing cup na may mga mukha ng presidential aspirants.

Sa pamamagitan ng 7-Eleven Speak Cup! ay hindi ­mapasisinungalingan na may tiwala ang taumbayan kay BBM.

Kung sa isinasagawang survey ng iba’t ibang grupo ay may pagdududa pa ang mga katunggali ni BBM sa taas ng kanyang survey, sa pamamagitan ng Speak Up ay makikita ang tunay na pulso ng sambayanang Pilipino sa tiwala nila sa batang Marcos.

Kabilang sa mga nakatulong sa patuloy na pagtaas ng ratings sa survey ni BBM ay ang social media lalo na ang vloggers at ordinaryong Facebook users na naniniwala sa panawagan ng batang Marcos para sa pagka­kaisa.

Sila na mismo ang nagiging tagapagtanggol at sumasalag sa mga lumalabas na paninira at pananabotahe laban kay BBM.

Sila ang mga inaakusahang “trolls” ng kampo ni BBM, subalit sa katotohanan ay wala silang direktang koneksyon sa batang Marcos.

Naniniwala lamang sila na walang ibang kuwalipikado at mag-aahon sa nalugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic at mga kalamidad na dumaan.

Sa ayaw at sa gusto ng mga katunggali ni BBM ay wala silang magagawa dahil ‘yan ang katotohanan at nakatadhana na ang pagbabalik ng isang Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

Eleksyon lang po ito, kung sino man ang pinili ng mga Pinoy ay tanggapin at suportahan natin ang uupong pangulo para sa kapakanan nating lahat. Move on na po tayo!

Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal.

oOo

Para sa suhestiyon at ­reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

153

Related posts

Leave a Comment