IPINAGMALAKI ng Malakanyang na ang pagpapahusay sa early warning system ng Department of Science and Technology (DOST) ay isa sa mga legacy sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, maraming monitoring systems na ginamit para sa bagyo at baha ang naikabit o naitatag simula nang magsimula ang termino ni Pangulong Duterte noong 2016.
Tinukoy nito ang data mula sa DOST, sinabi ni Andanar na ang departamento sa ngayon ay may kabuuang 17 doppler radar stations “as of June 2021.”
Hunyo 2016, ang DOST ay mayroon lamang 10 doppler radar stations na ginamit para sa tropical cyclone at rain monitoring.
Ang DOST ay mayroong 29 high-frequency doppler radars na ginamit para sa sea wave monitoring “as of June 2021.” Hunyo 2016, ang DOST ay wala ng high frequency doppler radars.
Itinaas din ng departamento ang bilang ng flood forecasting at warning systems sa river centers mula Hunyo 5, 2016 hanggang Hunyo 15, 2021.
Ang Flood forecasting at warning systems river centers ay ginamit para sa monitoring water levels sa river basins.
Samantala, tiniyak ng gobyerno sa publiko na mahigpit na mino-monitor nito ang bagong bagyong “Basyang” at “Agaton”. (CHRISTIAN DALE)
312