31st Southeast Asian Games CAMBODIA SADSAD SA FILIPINAS

Ni ANN ENCARNACION

AGAD nagparamdam sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, ­Vietnam ang Philippine Women’s National Football Team o Filipinas nang dominahin ang Cambodia, 5-0.

Umiskor si Isabella Flanigan sa 27th minute ng unang half sa loob ng box para iparamdam sa kalabang team na hindi tsamba ang pag-qualify ng Filipinas sa 2023 World Cup.

Apat na goals pa ang isinalpak ng Pinay ­booters sa second half mula kina Sarina Bolden sa 64th minute at Eva Madarang sa 68th minute.

Hindi nagpaiwan sina Quinley Quezada nang umiskor din sa 7th minute at Anicka Castañeda sa 8th minute, upang tapusin ang laro.

Sunod na makakasagupa ng Filipinas ang 2019 SEA Games gold medalist at host Vietnam ngayong Mayo 11 sa alas-8:00 ng gabi.

Hindi pa nakapagwawagi ng medalya ang Pinay booters sa biennial meet.

ALAS, LABAN-BAWI SA GILAS

WALANG plano si NLEX Road Warriors guard Kevin Louie Alas na maglaro para sa Gilas Pilipinas sa Vietnam.

Bagama’t malaking karangalan ang mapasama sa national team, hindi umano maiwan ng basketball player ang asawang si Selina Dagdag-Alas, ­kamakailan ay na-diagnose na may kakaibang klase ng cancer.

Kabilang si Alas sa isinumiteng 12-man lineup ni Gilas head coach Chot Reyes para sa SEA Games.

Ngunit para kay Alas, “family comes first.” Wala aniya siyang balak iwan ang kabiyak na may “gestational trophoblastic neoplasia.”

“Of course, my priority is yung wife ko and yung church. It’s hard to leave my wife alone,” giit niya.

Labis naman siyang nagpapasalamat sa national team, lalo kay coach Chot sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan.

139

Related posts

Leave a Comment