NakatanGgap ako ng tawag mula sa nakababatang kapatid ng yumaong si Rizalin Lipalam na si Jefrey Canada.
Humihingi siya ng tulong upang mapauwi na ang bangkay ng kanyang ate na namatay dahil sa vehicular accident sa Jeddah, Saudi Arabia. Kasama rin sa namatay ang anak ng kanyang employer noon pang Enero 2019.
Si Rizalin ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng LNS International Manpower at nagtatrabaho bilang household helper.
Agad akong nakipag-ugnayan kay Consul General Ed Badajos at mabilis namang nagbigay ng update: “We received the documents from the NOC in January and on 29 January, we issued a no objection certificate to the son of employer who also died in the accident. Police rejected the NOC with instructions that it should be issued in favor of the Saudi recruitment agency. But the son informed us of the rejection only in the latter part of February.
On March 3, we reissued an NOC in favor of the SRA. SRA is currently working on the shipment. It usually takes a maximum of 20 days to complete the SOR process.”
Ibig kong iparating ating pasasalamat sa mga kinatawan ng Assistance To National Unit (ATNU) sa kanilang pag-aasikaso sa kasong ito, pero hinihiling din natin na dapat nilang siguruhin na personal nilang naa-update ang mga kaso lalo na ng maraming mga bangkay na OFW na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapauwi sa Pilipinas.
Hindi marahil tatagal ang pagpapauwi ng bangkay ni Rizalin kung kanilang personal na hinihingi ang update sa employer at nakikipag-coordinate sa pulisya sa Saudi Arabia at hindi umasa lamang sa impormasyon na nanggagaling sa employer.
Nauunawaan din naman ng inyong lingkod ang kinakaharap na kakulangan ng tauhan ng ating embahada, ngunit mungkahi ko lamang na maglaan ang ATNU ng araw na kung saan ay kanilang ikutin ang mga ospital na may mga bangkay na OFW upang alamin ang estado nito at dahilan ng delay sa pagpapauwi ng bangkay sa pamilya. (Bantay OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)
449