RETIRADONG AFP GENERAL GUILTY SA DIRECT BRIBERY

ANIM hanggang walong taon sa likod ng rehas ang ipinataw na parusa ng Sandiganbayan sa isang retiradong heneral kaugnay ng diumano’y pagtanggap ng suhol at pakikipagsabwatan sa money laundering.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 2nd Division, sinintensyahan si dating AFP Comptroller retired General Carlos Garcia, sa mas mababang kaso kumpara sa plunder at money laundering na unang inihain laban sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Magugunitang hindi kinatigan ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng Office of the Solicitor General na humihiling na ibasura ang “plea bargaining” na inihain ng retiradong heneral.

Sa ilalim ng plea bargaining agreement sa pagitan ng dating heneral at Office of the Ombudsman, sumang-ayon si Garcia na magbayad na lamang sa pamahalaan ng P135.433 milyong halaga ng salapi at ibang pag-aari.

Para sa kasong direct bribery, apat hanggang walong taon ang ipinataw na sentensya, bukod pa sa multang hindi bababa sa P406 milyon.

Para naman sa money laundering, apat hanggang anim na taon ang hatol ng Sandiganbayan kay Garcia, bukod pa sa multang P1.5 milyon.

Si Garcia ay kasalukuyang nakapiit sa New Bilibid Prisons. (LILY REYES)

215

Related posts

Leave a Comment