Reklamo ng QCares binalewala LGAE CONTRACT SA PCSO NI-RENEW PA NG 3-TAON

(JOEL O. AMONGO)

MISTULANG hindi pinansin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang reklamo ng QCares laban sa Lucent Gaming and Entertainment (LGAE) matapos palawigin pa nito ng tatlong taon (3) ang pag-o-operate ng kanilang Small Town Lottery (STL) sa Quezon City.

Noong Hunyo 2, 2022 ay sumulat si Sweet Velasquez, Administrative Officer ng QCares kay Ms. Margarita Santos, Department Head ng City Business Permit and License Department ng Quezon City Hall na inirereklamo nila ang LGAE.

Kabilang sa mga reklamo ng QCares laban sa LGAE ang “deceiving QC bar of club owners for payment of their shortfall, accepting bets from minors, failure to pay daily remittance, using STL IDs to perpetrate illegal gambling activities and accepting bets in public markets”.

Bukod kay Santos, pinadalhan din ng kopya ng reklamo ng QCares sina Mr. Anselmo Simeon Pinili, chairperson ng PCSO; Secretary Eduardo Año, Department of Interior and Local Government (DILG) ; QC Mayor Joy Belmonte; GMA News at ABS-CBN.

Kaugnay nito, si Atty. Lauro Patiag, PCSO Assistant General Manager, Branch Operations Sector ay sumulat kay PBGen. Remus Balignasa Medina, District Director ng Quezon City Police District (QCPD) na may petsa Hulyo 12, 2022 at ipinaalam nito na muling magsisimula ang STL Operations ng LGAE sa Quezon City noong Hulyo 15, 2022.

Nakalagay pa sa sulat, na ang LGAE ay partner ng PCSO at Authorized Agent Corporation sa STL operations sa nabanggit na lungsod.

Ipinaaalam din sa sulat na base sa PCSO Board Resolution No. 0130, s2022, ang status ng LGAE STL Operations sa Quezon City ay pinalawig pa mula ‘one-year (1) Probationary to Regular Status for three (3) years, or up until 15 July 2025, unless sooner revoked or terminated by the PCSO’.

Nakatala pa sa nasabing sulat na ang LGAE ay aktibong partner ng PCSO sa pangangalap ng kita na magagamit na pondo ng mga Pilipino sa pangangailangan sa kanilang mga gamot.

Napag-alaman din na ang LGAE ay pagmamay-ari ng isang nagngangalang Ronald Pagulayan na pinsan ni dating PCSO GM Royina Garma.

Matatandaan na si Garma ay nagbitiw noong Hunyo 6, 2022 bilang Vice Chairperson, General Manager at Member ng Board of Directors ng PCSO na tinanggap ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at agad naging epektibo.

Si Garma ay sinulatan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong Hunyo 13, 2022 na natanggap ng PCSO noong Hunyo 14, 2022 bilang abiso na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang kanyang resignation letter (Garma) na may petsang Hunyo 6, 2022.

Kaugnay nito, si PCSO Chairperson Anselmo Simeon Pinili ang umakto bilang Office-in-Charge (OIC) of the Office of the General Manager ng naturang tanggapan.

286

Related posts

Leave a Comment