(BERNARD TAGUINOD)
MALAWAK na kaalaman at karanasan sa larangan ng lehislatura ang naging batayan sa paghirang kay Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos bilang Deputy Majority Leader ng Kamara.
Ito ang giit ni PBA partylist Rep. Margarita Nograles bilang tugon sa patutsada ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na nagsabing apelyido ng amang Pangulo ang nagdala sa batang Marcos sa mataas na pwesto sa Kamara del Representante.
“I beg to differ on the claim of Rep. (Raoul) Manuel that Rep. Sandro Marcos only got his position because of his last name and because he is the son of the President,” ani Nograles.
Ayon sa lady solon, hindi bagito ang kinatawan ng Ilocos Norte. Katunayan aniya, nahubog sa kalakaran ng lehislatura ang batang Marcos na nagtrabaho sa tanggapan ni dating House majority leader at ngayo’y Speaker Martin Romualdez noong 18th Congress.
Giit pa niya, dapat igalang ni Manuel ang “Rules and Procedures” ng Kamara na nagluklok sa batang Marcos sa bias ng boto ng mayorya.
“Surely, Rep. Manuel as the voice of the youth cannot claim that a neophyte like himself cannot do a good job in a position Rep. Marcos is indeed qualified for. As a lawyer, I can personally attest to Rep. Marcos’ deep grasp of the House Rules and Procedures (even more than I). I hope Rep. Manuel, as part of the minority bloc, will respect our choice in the majority as we respect their decision making processes as well.”
Sa kaugnay na balita, sinimulan na rin ang pagtatalaga ng mga uupong chairman sa 63 House committees. Kabilang naman si Tingog partylist Rep Yeda Romualdez sa mga napagkaisahang iluklok bilang chairperson. Pamumunuan ng kabiyak ng House Speaker ang House Accounts Committee.
Nasungkit naman ni Ako Bicol partylist Rep. Elizaldy Co ang chairmanship ng House committee on appropriations habang mananatili naman kay Albay Rep. Joey Salceda ang House ways and means committee.
Ibinigay naman kay Surigao del Sur Rep. Romeo Momo ang chairmanship ng House committee on public works and highways habang si Negros Oriental Rep. Juliet Marie de Leon-Ferrer ang itinulak mamuno sa Justice committee.
421
