HINDI madali ang pagtataguyod ng pamilya kung iisa ang kumakayod, ayon sa isang kongresista kaugnay ng inihaing panukalang batas na nagsusulong ng dobladong insurance benefits para sa mga solo parents.
“Single parents, being the only breadwinner in the household, are exceptionally vulnerable to economic hardship. They deserve greater financial support if they lose their jobs for reasons unrelated to their performance as employees,” ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo.
Giit ni Rillo sa inihaing House Bill 2229, napapanahon nang amyendahan ang Republic Act 11199 (Social Security System) kasabay ng panawagang doblehin ang insurance benefits ng solo parents.
Sa ilalim ng umiiral na batas, P20,000 lang ang nakalaan sa mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagsasara ng kumpanyang pinagtatrabahuhan o pagbabawas ng tauhan.
Sakaling ganap na maisabatas, inaasahan ng kongresistang sasampa sa P40,000 ang matatanggap ng sektor na kanyang nais niyang tulungan.
“We have to assure solo parents ample financial protection when they get thrown out of work. This way, while they are looking for new employment, their families will have the means to make ends meet,” paliwanag ng solon.
Sa kasagsagan ng pandemya, umabot sa P1.71 bilyon ang inilabas ng SSS bilang insurance benefits para sa tinatayang 135,814 SSS members na lubhang naapektuhan sa pagsasara ng negosyong kanilang pinagtatrabahuhan. (BERNARD TAGUINOD)
162