DAVE APOLINARIO, IBO FLY CHAMP

AGAD pinunan ni Dave Apolinario ang kawalan ng world boxing champ ng Pilipinas matapos pabagsakin sa unang round lang ang nakalabang si dating three-division world champion Gideon Buthelezi, para sa IBO flyweight title sa International Convention ­Center, East London, South Africa (Sabado, Manila time).

Gamit ng 23-anyos Pinoy southpaw ang solid left straight-right hook combo, tuluyan niyang pinatumba ang South African, 10 segundo ang natitira sa first ng nakatakdang 12-round bout.

Nanatiling walang talo si Apolinario sa 17 laban na may 12 knockout record– isang magandang pangitain lalo’t magkakasunod nalagas ang world champion Pinoy boxers na sina Jerwin Ancajas, Nonito Donaire, Rene Mark Cuarto, Mark Magsayo, at Donnie Nietes. (ANN ENCARNACION)

238

Related posts

Leave a Comment