KAHIRAPAN SA TAONG 2023

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO

BASE sa aking KAALAMAN ay makararanas ng kahirapan ang Pilipinas sa susunod na taong 2023.

Ayon sa impormasyon na nakuha ko sa China ay bahagyang maaapektuhan ang kanilang ekonomiya.

Siyempre, kung ang dalawang bansa na ito na ­mayayaman ay makararanas ng kahirapan sa susunod na taon, ay mas lalong maghihirap ang mga bansang 3rd world countries na tulad ng Pilipinas.

Isa sa sinasabing dahilan ng kahirapan na mararanasan sa taong 2023 ay ang epekto ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa ganang akin, isa na riyan siyempre ay ang epekto rin ng COVID-19 na hanggang sa ngayon ay patuloy na nananalasa sa Pilipinas.

Malaking pera ang nawala sa gobyerno dahil sa pagtama ng COVID-19 lalo na ang mga 3rd world country tulad ng Pilipinas.

Imbes na nagamit sa ibang proyektong pangkabuhayan ang bilyon-bilyong pisong pera ng Pilipinas ay na­gamit pa na pambili ng bakuna para sa COVID-19.

Isa pa sa naging problema ng Pilipinas sa mga nakaraang administrasyon ay walang gaanong suporta ang gobyerno sa mga magsasakang Pinoy.

Imbes na bigyan ng puhunan ang mga magsasaka para makatulong sa kanila at kahit paano ay makahinga sila sa kahirapan na nararanasan, kaya karamihan sa kanila ay ibinenta ang kanilang kakarampot na lupang sinasaka.

Kaya ayon, unti-unting nawawala ang mga bukirin na pinagtataniman ng palay at iba pang produkto na araw-araw kailangan ng mga Pinoy.

Umasa lamang ang mga nakaraang administrasyon sa imported na mga produktong agrikultura tulad ng bigas, asukal, sibuyas, gulay, bawang at iba pa.

Buti na lang ngayon sa ilalim ng administrasyon ni ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay maganda ang nakikita natin na suportado niya ang mga magsasakang Pinoy.

Sa katunayan, kaya hinawakan mismo ni PBBM ang Department of Agriculture (DA) ay para matutukan niya ang usapin sa pagkain ng mga Pinoy.

Naniniwala tayo na bagama’t makararanas ng kahirapan sa buong mundo sa susunod na taon ay hindi tayo masyadong maaapektuhan dahil sa pamumuno ni PBBM sa DA.

At siyempre sa pakikiisa na rin nating mga Pilipino sa administrasyon ni PBBM.

Tulong-tulong sa pagsulong, muli tayong makababangon!

oOo

Para sa anomang reaksyon, tumatanggap po tayo ng suhestyon, mag-text lamang po sa cell# 0939-168-3316.

690

Related posts

Leave a Comment