IPINAGKALOOB kay Unang Ginang Atty. Marie Louise Araneta Marcos ang titulong “Chief Girl Scout” sa idinaos na investiture ceremony sa Palasyo ng Malakanyang ngayong Huwebes.
Nangako naman ang Unang Ginang na tutulong sa paghubog sa “mental, emotional, at social qualities” ng kabataang kababaihan.
Sa naging talumpati ng Unang Ginang, kinilala nito ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) para sa walang kapaguran na pagganap sa kanilang misyon para ihanda ang mga kabataang babae sa kanilang responsibilidad sa tahanan, sa bayan at sa mundong kanilang ginagalawan.
Isinapormal ang GSP noong May 1940 sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 542.
Mayroong 800,000 girl scouts sa bansa batay sa 2017 data.
“As the First Lady of the Philippines, I have been designated as the Chief Girl Scout of the Philippines. It is a title that I will truly be proud of… not only because of its meaningful history but more so because it will allow me to help our young women cultivate the same values that I learned when I was a Girl Scout in school,” ayon sa Unang Ginang.
Sa naging talumpati pa rin ng Unang Ginang, ipinahayag nito ang kanyang commitment na makapag-ambag sa nation-building.
“As part of the GSP movement, I am committed to help shape our young women’s mental, emotional and social qualities. I will strive to help our environment and do our part towards nation-building. Together, we will achieve these goals,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)
