SWMP PINAKIKILOS VS ‘MARINE LITTER CULPRIT TAG’ NG PH

HINIKAYAT ni Senador Cynthia Villar ang Solid Waste Management of the Philippines (SWMP) na patuloy na kumilos upang mabilis na maalis sa imahe ng Pilipinas ang tag na “marine litter culprit.’

Sa pahayag, sinabi ni Villar na dalubhasa ang naturang samahan sa solid waste management na malaki ang magagawa upang mabawasan ang basura sa karagatan.

“With your help, let us strive towards our common aspiration to live in a healthy environment that will likewise benefit the future generations,” ayon kay Villar, chairman ng Senate committee on environment and natural resources.

Guest Speaker ang senador sa Solid Waste Management of the Philippines Conference 2022 (SWAPPCon 2022) na may temang “Disaster Waste Management,” na inorganisa ng Solid Waste Management Association of the Philippines Inc.

Sa pakikipag-ugnayan sa Iloilo City government, idinaos ito sa Zuri Hotel sa Iloilo.

Kinilala ni Villar ang mabilis pagresolba sa matinding suliranin sa plastic waste dahil sa ranking ng Pilipinas sa 2015 University of Georgia report. Number 3 ang ating bansa n sumusunod sa China at Indonesia sa pinakamalaking source ng plastic waste na pumupunta sa karagatan.

Ayon pa sa report, 75% ng nakolektang basura- ‘mismanaged garbage,’ ang pumupunta sa karagatan.

Tinawag niyang kalokohan ang pagbalik sa kapaligiran ng mga nakolektang basura.

Bilang mambabatas, iginiit ni Villar na pinangungunahan niya sa national government, local government units (LGUs), communities at private sector n mapabuti ang waste management sa pamamagitan ng composting.

Sa katunayan, ng Vice Chairperson siya ng Committee on Finance at in charge sa budget ng Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 18th Congress, hinimok niya ang Bureau of Soil and Water Management (sa ilalim ng DA) at Environmental Management Bureau (sa ilalim ng DENR) na bumili ng composting facilities at ipamahagi ito sa local government units sa buong bansa.

Aniya, makukumbinsi nitong gawing institutionalize ang composting para sa epektibong waste management practice.

Binigyan diin niya na dahil sa composting at iba pang ‘efficient waste management practices,’ ang kanyang hometown- Las Pinas City- ang may pinakamababang gastos sa waste management sa mga siyudad sa Metro Manila.

Nakatitipid ang Las Piñas ng may 300 million pesos kada taon mula sa recycling ng 75% ng kanilang basura.

Upang lalo pang mabawasan ang basura, inakda ni Villar ang ang Extended Producer Responsibility (EPR) Act of 2022 o Republic Act No. 11898, na nag-lapsed into law.

Sa ilalim ng EPR Act responsable ang malalaking enterprises sa “recovery, recycling at disposal ng kanilang plastic packaging. (ESTONG REYES)

201

Related posts

Leave a Comment