CELTICS PINIGIL NG BULLS

KINALSUHAN ng host Chicago Bulls ang nine-game win streak ng Boston Celtics via 121-107 win, Lunes ng gabi (Martes sa Manila).

Nagsanib-pwersa sina DeMar DeRozan, may 28 points at Zach LaVine, 22 points habang si Patrick Williams may season-high 17 points para sa Bulls, na pinagmukhang magaan ang laro laban sa koponang may NBA’s best record.

Umabante ng 13 sa halftime, pinalobo sa 21 sa third quarter at tinuloy-tuloy hanggang dulo upang maibulsa ang W, matapos ang apat sunod kabiguan at ikalima sa anim na laro.

Si DeRozan, umiskor ng 41 noong Biyernes pero natalo sa Orlando, ay nakahirit ng eight points sa loob ng isang minute sa third.

Siya rin ang nagsubo kay Alex Caruso ng bola para sa reverse layup tungo sa 116-101 lead, under three minutes na lang sa laro.

Bumawi naman si LaVine kasunod ng four-point output laban sa Magic at ibinangko sa closing ­minutes. May ambag siyang nine points sa fourth.

Una sa iskoring ng Boston si Jayson Tatum, 28 points. Kasunod si Jaylen Brown (25) at si Malcolm Brogdon (23 points, 5-of-6 3 pointers).

Lumamang ang Bulls, 46-31 sa second quarter kasunod ng tres ni Coby White sa inilatag nilang 15-2 run at 63-50 lead sa halftime.

Pumukol si LaVine ng 3 sa unang minute ng third para sa 74-53 count.

Angat ng 19 puntos ang Bulls bago nakahirit si Brogdon ng 3 sa closing seconds bilang simula ng 11-0 run.

May 22 attempted shots ang Celtics sa first ­quarter at 17 ay 3-pointers. Nakapagtala ng lima beyond the arc at may six field goals sa period, habang lamang ang Chicago, 28-23.

Present si guard Marcus Smart, makaraang lumiban ng dalawang laro sanhi ng right ankle ­inflammation. Pero, mas minabuti ni interim coach Joe Mazzulla na hindi gamitin upang maipahinga nang husto ang paa.

”I trust his work ethic, his ability to stay healthy,” lahad ni Mazzulla. ”If it swells up, then he’ll do what’s best for the team. I trust that.” The Celtics attempted 22 shots in the first quarter and 17 were 3-pointers. They made five from beyond the arc and six field goals in all in the period, as Chicago grabbed a 28-23 lead.

228

Related posts

Leave a Comment