SIXERS SADSAD SA ROCKETS

PINAGTULUNGAN nina Jalen Green (27 points) at Kevin Porter, Jr. (24 points), ang double-overtime win ng host Houston Rockets kontra Philadelphia 76ers, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) kasabay ng pagbabalik-aksyon ni James Harden.

Tumapos si Harden na may 21 points, pero buhat ito sa 4-for-19 sa field sa kanyang first game mula noong Nobyembre 2. ­Sumalang ang player ng 39 minuto.

May 14 games hindi nakalaro si Harden sanhi ng tendon strain sa kanang paa.

Sablay siya sa eight attempts sa loob ng 3-point arc, pero gaya ng lagi niyang ginagawa, 9-of-10 free throws siya.

Binuksan ng Houston ang second overtime mula sa magkasunod na 3-pointers nina Eric Gordon at Porter. Kasunod nito, iniskor ni P.J. Tucker ang kanyang first points via long two para bawasan ang lead, 123-119.

Humirit si Porter ng two free throws, bago idinikit ni Harden ang Philadelphia, 125-122 nang mag-3 point sa huling 90 ­seconds.

Ngunit nagdagdag si Jabari Smith, Jr., ng tres para sa Hous­ton at i-extend sa anim ang lead.

Umiskor si Joel Embiid ng 39 points bago na-foul out sa ­unang overtime at si Tobias ­Harris ay nag-ambag ng 27 tungo sa ­ikatlong sunod na talo ng Sixers.

Nagwagi si Harden ng MVP award sa Rockets noong 2018 at naging three-time scoring champion din.

Bubuksan ng Sixers ang ­seven-game homestand sa Biyernes laban sa Los Angeles ­Lakers. Habang bibisita ang Rockets sa San Antonio sa Huwebes.

HORNETS NADALE
NG CLIPPERS

MAY 16 points si Kawhi ­Leonard kasama ang 18-foot jumper sa huling 1.4 seconds para ibigay sa Los Angeles Clippers ang ­119-117 panalo kontra host ­Charlotte Hornets, sa kanyang pagbabalik ­

buhat sa right ankle sprain.
Nagbalik din si Paul George mula sa strained hamstring at umiskor ng 19 points at seven assists para sa Clippers, naputol ang two-game losing skid.

Sina Reggie Jackson at Nic Batum, tig-13 points at si John Wall nagdagdag 12 points at 12 assists off the bench.

Si Kelly Oubre ay nagtala ng 28 points at si P.J. Washington, bumawi mula sa 0-for-13 ­shooting night noong Sabado ng gabi ay nag-ambag ng 26 points sa ­Hornets.

Nagmintis si Washington sa fadeaway jumper sabay tunog ng buzzer.

Na-outscore ng Hornets (7-17) ang Clippers, 26-8, para simulan ang third quarter sa likod ng eight points mula kay Terry ­Rozier, para sa 80-71 lead.

Nagtabla pa sa 117-all ang iskor nang maisalba ni George ang bola para sa easy two.

Kasunod nito, mintis ang 3-pointers ni Jalen McDaniels, saka tinira ni Leonard ang go-ahead winning basket.

Susunod na kalaban ng Clippers ang Orlando Magic sa Miyerkoles. Habang Brooklyn Nets naman sa Hornets. (VT ROMANO)

225

Related posts

Leave a Comment