DURANT, EAST PoW

SA ikalawang pagkakataon ngayong season, tinanghal si Brooklyn Nets superstar Kevin Durant bilang Eastern Conference Player of the Week (Nobyembre ­28-Disyembre 4 period).

Ito ang ikalimang beses na ginawaran si Durant ng nasabing award bilang Brooklyn Net player at 31st sa buong career.

Sa huling four games si Durant ay nag-average ng 33 points, seven rebounds, 5.5 assists, at 1.8 blocks per game matapos talunin ang Orlando Magic, Washington Wizards, at Toronto Raptors.

Isa lamang si Durant sa 27 players sa Nets history na nabigyan ng nasabing award at isa sa dalawang manlalaro na limang beses tumanggap ng ­citation, maliban kay Jason Kidd, wagi ng siyam na beses.

Nasungkit din ni Durant ang award bilang third-most sa NBA history, sa likod nina ­LeBron James (65) at Kobe Bryant (33).

DAVIS, WEST PoW

NITONG nakalipas na ilang linggo nasaksihan ang top performance ni Anthony Davis sa bawat laro ng Los Angeles ­Lakers, na higit pa sa ipinakita niya nang magwagi ang Lakers ng NBA championship noong 2019-20 season.

Si Davis ay may 44 points at 10 rebounds sa panalo ng Los Angeles noong Biyernes kontra Giannis Antetokounmpo-led Milwaukee Bucks.

Sinundan ito ng 55-point, 17-rebounds masterpiece sa panalo laban sa Washington Wizards noong Linggo.

Kahanga-hanga ang kanyang ‘efficiency’ sa dalawang laro at naging unang Laker (maliban kay Bryant) na umiskor ng 40 points sa back-to-back games.

Si Davis din ang first player sa franchise history na may 40 points, 10 rebounds at three blocks sa magkasunod na laro, at una sa 40 points at 10 boards simula noong panahon ni Shaquille O’Neal.

Bunga nito, tinanghal siyang Western Conference Player of the Week.

NIKE-KYRIE WALA
NANG BALIKAN

OPISYAL nang nakipag-break ang Nike kay Kyrie Irving.

Ipinabatid ito ng shoe and athletic apparel maker, isang buwan matapos suspindihin ng kompanya ang Brooklyn guard dahil sa pag-Tweet sa isang pelikulang naglalaman ng antisemitic material.
Inihayag naman sa New York Times ni Shetellia Riley Irving, agent at stepmom ng player, nagkasundo ang magkabilang panig na tuluyan nang maghiwalay.

Suot pa rin ni Irving ang kanyang signature line of Nike shoes sa nakalipas na mga laro. Hindi pa malinaw kung ang formal break up ay makaaapekto sa pagsusuot pa niya ng naturang sapatos.

Buong NBA career ni Irving ay Nike athlete siya (simula pa noong 2011) at nabigyan ng first signature shoe ng kompanya noong 2014.

Samantala, dahil sa ­paghagis ng kanyang headband sa crowd, pinagmulta ng NBA si ­Fil-Am ­Jordan Clarkson ng $15,000.

Nangyari ang paghagis sa final seconds ng laro ng Utah Jazz at Portland Trail Blazers noong Sabado ng gabi, kung saan natalo ang tropa ni Clarkson, 116-111. (VT ROMANO)

188

Related posts

Leave a Comment