GOV. HELEN TAN AT SEN. IMEE MARCOS, SANIB-PWERSA SA SERBISYO-PUBLIKO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

PATULOY ang pagtahak ng liderato ni Gov. Helen Tan sa landas upang makamit ang maunlad na lalawigan ng Quezon.

Hindi maitatanggi na napakarami nang programa at proyekto na laan para sa ating mga kababayan doon.

Gayunman, hindi raw sasapat ang pondo kung hindi magkakaroon ng mga pagbabago lalo na sa usapin ng pagbubuwis.

“Ikinalulugod ko ang suportang ibinabahagi ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa ­pangunguna ni Vice Governor Third Alcala sa pagsasaalang-alang at pagsuporta sa ating mga adhikain,” wika ni Gov. Tan.

Kung hindi ako nagkakamali, kasama sa mga ­inaprubahan ng SP kamakailan ang panukalang ordinansa na rebisahin ang tax code ng ­probinsya.

“Dito ay ipinaliwanag sa atin ni Bokal Sonny Ubana II, bilang chairperson ng Committee on Ways and Means, ang kahalagahan ng rebisyon ng Provincial Revenue Tax Code kung saan ang huling update pa ay noong 2001 at nagkaroon na ng ilang pagdinig noong 2016,” ayon sa gobernadora.

Bukod sa Revised Revenue Tax Code, iba’t ibang ordinansa at resolusyon ang ipinasa rin ng mga kapwa lingkod-bayan ni Gov. Tan na makatutulong sa pag-unlad ng mamamayan at ng buong lalawigan.

“Hangad ko ang pagkakaisa at pagtutulungan nating lahat upang ang mga ito ay maisakatuparan para sa kabutihan ng pangkalahatan,” sabi ni Gov. Tan.

Matapos namang mamahagi ng Educational Assistance mula sa DSWD sa bayan ng Candelaria, Sariaya, at Lucena City, kasama si Sen. Imee Marcos ay tumuloy si Gov. Tan sa gift-giving ng 4Ps members sa Quezon Convention Center.

“Maraming salamat sa tulong at maagang pamaskong handog Sen. Imee, para sa aming mga kababayan!” pahayag ni Gov. Tan.

Masayang-masaya namang ibinalita ng gobernadora na ang lalawigan ng Quezon ay kabilang sa mga awardee ng Beyond Compliant Provinces sa ginanap na 22nd Gawad Kalasag Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at Humanitarian Assistance National Awarding Ceremony.

Sinabi ni Tan na bunga ito ng patuloy nilang pagtutulungan at pagbabalikatan para sa kagalingan ng kanilang probinsya.

“Ang karangalang ito ay inialalay natin sa lahat ng ating mga kalalawigan na nagsisilbi nating inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang ating pagseserbisyo,” sabi pa ng opisyal.

Labis din ang pasasalamat ni Gov. Tan kina DILG Secretary Benhur Abalos at Department of National Defense Undersecretary Jose Faustino Jr., gayundin sa iba pang mga probinsya at local governments na nagkamit din ng kaparehong pagkilala.

Aba’y tunay ngang tuloy-tuloy ang paggaling ng Quezon sa pangunguna ng Serbisyong Tunay at Natural ni Gov. Helen Tan!

243

Related posts

Leave a Comment