NO. 1 TEAM TUMBA SA WARRIORS

Ni VT ROMANO

SA rematch ng nakaraang NBA Finals, Golden State ­Warriors pa rin ang wagi kontra Boston Celtics sa iskor na 123-107.

Maganda ang panimula ng Celtics sa season, bukod sa pagdaragdag ng ilang ­manlalarong makatutulong sa opensa.

Ngunit sa kabila ng 13-13 kartada, patuloy na dinodomina ng Dubs ang home games.

Dahil kulang sa depensa ­bunga ng ‘di pagsalang ni Andrew Wiggins, hinugot ni coach Steve Kerr si Jordan Poole para sa starting lineup, habang inilagay sa tres si Klay Thompson.

Hindi agad pumutok si Steph Curry at tila naging pokus ang star player sa kanyang mga kasama, habang ang mga shot ni Poole ay sumasablay, tanging si Thompson ang umiiskor.

Ngunit nang magsimulang mag-init si Curry, iniskor niya ang 12 points sa unang nine minutes ng laro, 24 sa first half at total 34 puntos.

Bumato si Curry ng dalawang deep three sa final minutes ng first quarter tungo sa 33-25 lead ng Warriors.

Si Thompson ay nagsumite ng 34 points, habang ang Splash Brother na si Curry, may 32, kabilang ang six 3-pointers.

Si Poole, may 20 points sa kabila ng 1-for- 9 sa long range, ay in-extend sa double digits ang lead ng Golden States habang nakaupo si Curry sa second.

Naibaba ng Celtics sa lima ang abante ng Warriors sa halftime, ngunit nanatiling hawak ng Warriors ang lead hanggang dulo.

Nagtala si Jaylen Brown ng 31 points at eight rebounds para sa Boston, si Jayson Tatum naman ay may 18 points ngunit tila nabitbit niya ang NBA Finals struggles nang maglista ng 6-for-21 sa field at 4-for-7 sa three-throw line.

Walang ibang Celtics player ang umiskor ng 20 points kaya naubusan ng panlaban sa Golden State.

Samantala, iniretiro ng Warriors ang No. 6 jersey ng namayapang hall of Famer na si Bill Russell sa pregame ceremony. Isinuot ni Russell ang numero sa kanyang 13 seasons sa Boston mula 1956-69.

Bibisita ang Warriors sa Milwaukee sa Martes, habang dadayo ang Celtics sa Los Angeles para harapin ang Clippers.

179

Related posts

Leave a Comment