SIMULA ngayong season, nakapangalan na kay legendary star Michael Jordan ang NBA’s Most Valuable Player trophy.
Inihayag ito ng NBA nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) kasabay ng ‘renaming’ ng lima pang tropeo alinsunod sa pangalan ng league pioneers, na ipagkakaloob sa end-of-season award winners.
Si Jordan, six-time NBA champion at wagi ng limang MVPS sa kanyang 15-season career ay katabla sa second-most ni Kareem Abdul-Jabbar na may anim na titles din.
Ayon sa NBA, ang Jordan trophy ay 23.6 inches tall at 23.6 pounds at ang base nito ay six-sided bilang pagkilala sa anim na NBA championships ni Jordan, habang ang 15-degree angle naman ay base sa 15-season career nito.
Sa ngayon, may three-man race para sa 2022-23 MVP na kinabibilangan nina Milwaukee Bucks’ Giannis Antetokounmpo at Boston Celtics’ Jayson Tatum, na betting favorites (+275), habang si Dallas Mavericks’ Luka Doncic (+300).
Inihayag din ang paglikha ng Jerry West Trophy sa Clutch Player of the Year; Hakeem Olajuwon Trophy sa Defensive Player of the Year; Wilt Chamberlain Trophy sa Rookie of the Year; John
Havlicek Trophy sa Sixth Man of the Year at George Mikan Trophy sa Most Improved Player of the Year.
Noong 2020 ipinangalan ang All-Star MVP trophy kay Kobe Bryant at NBA’s Social Justice award kay Abdul-Jabbar.
Sapol noong 2009, isinunod sa pangalan ni Bill Russell, namayapa nitong 2022, ang Finals MVP trophy alinsunod sa kanyang 11 NBA titles at five regular MVP awards.
