HOLIDAY JOY HANDOG NG PITMASTER FOUNDATION

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

ANG taong 2022 ay maituturing na makabuluhan at may hatid na biyaya ng pag-asa para sa Pitmaster Foundation Philippines.

Ito’y bunsod ng kaliwa’t kanang tagumpay at tulong na naibalik ng grupo sa mga komunidad.

Marami rin itong nabagong buhay at natulungan ngayong ­holiday season at nitong mga nakaraang taon. Noong Pasko, aba’y namahagi naman ang Pitmaster ng relief goods sa ­libo-libong tao sa evacuation centers sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Nasa 6,908 families o katumbas ng 34,081 individuals ang napilitang lumikas dahil sa malakas na pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.

Bilang bahagi naman ng kanilang relief at response efforts, nag-donate ang foundation ng tig-isang ambulance unit sa ilang bayan. Kabilang sa mga nabiyayaan ng ambulansya ay ang bayan ng Caibiran sa Biliran; Polangui, Albay; lalawigan ng Rizal; Cabadbaran City, Agusan del Norte, at Sibalom, Antique.

Naging partner din ang Pitmaster ng “Make a Warrior Smile this Christmas” campaign. Pinasaya at pinangiti nila ang mga batang ipinanganak na may cleft lip and palate o bingot.

Namahagi sila ng essential items tulad ng mga pagkain, diapers, at mga laruan bilang suporta sa mga bata sa buong mundo na may depekto. Namigay rin sila ng mga damit at pagkain sa mga batang lansangan sa Mandaluyong City kamakailan.

“This year, we have much to be thankful for, but ­nothing is more special to me than the opportunity to personally ­acknowledge and thank all the individuals I have had the ­pleasure of working with to help grow and develop Pitmaster Foundation. Despite the ongoing challenges posed by the pandemic, our colleagues never wavered in their dedication to providing assistance to those in need,” wika ni Pitmaster Foundation executive director Atty. Caroline Cruz, sa ulat ng Daily Tribune.

Pagpapakita aniya nila ito ng kanilang commitment na tumulong at kabilang sa kanilang adbokasiya na maging bahagi ng pagbabago sa mga komunidad.

“As we celebrate the holiday season, it is only fitting that I take the lead in expressing our love and appreciation for all that they do. For us at Pitmaster, thanking them requires no special occasion or boundaries, as being part of the Pitmaster family means that they are always at home with us. May we all be blessed with the strength and resources to continue being a blessing to ­others,” wika ni Cruz.

Kung matatandaan, noong 2020, nag-donate din ang Pitmaster ng halos P1 bilyon na ayuda o tulong para sa dialysis at Covid-19 response. Kasama sa mga donasyong ito ang 31,000 doses ng vaccine, 161 ambulances, 272,000 antigen test kits, sahod para sa frontliners, vaccine freezers, at marami pang iba.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa tulong o ayuda ng Pitmaster sa mga komunidad at sa national government. Nariyan din ang iba pang efforts tulad ng environmental rehabilitation efforts na tatalakayin natin sa mga susunod na labas ng SABONG ON AIR.

Maraming salamat po at Manigong Bagong Taon sa ating lahat!

206

Related posts

Leave a Comment