OPD BUILDING PARA SA QUEZON MEDICAL CENTER HANDOG NI GOV. HELEN TAN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

LAGING prayoridad ni Quezon Gov. Helen Tan ang kanyang nasasakupan. Ayaw niyang makitang nahihirapan ang mga ito.

Kaya kapag may nakita siyang problema ay agad niyang binibigyan ng solusyon.

“Noong nag-ikot tayo sa QMC [Quezon Medical Center], nakita natin na marami talagang dapat ayusin sa ospital. Siksikan ang mga pasyente habang ang mga outpatient ay hindi ­organisado at hindi alam kung saan pupunta,” wika ng masipag na gobernadora.

Kaya masaya niyang inanunsyo na magkakaroon na ng bagong Outpatient Department (OPD) building ang QMC.

Ayon kay Doktora Helen, “Ang itatayong OPD building ay may limang palapag kung saan ito ay magkakaroon ng mga clinic para sa ophthalmological, ENT, dental, diagnostic, rehabilitation, pharmaceutical, at iba pang basic services na siguradong magiging accessible para sa lahat.”

Naniniwala si Gov. Helen na “ang magandang imprastraktura ay kailangang tumbasan ng kalidad na serbisyo.”

“Ayaw din natin na ang mga pinapatayong imprastraktura ay hindi nagagamit. Kaya binilin natin na kapag natapos ang unang palapag ng OPD ­building ay kailangan agad itong mag-operate para mabilis na ­mapakinabangan,” paliwanag ni Tan.

Tama nga naman siya.

Lumalaki na rin ang populasyon ng kanilang lalawigan.

Aniya, mas dumarami ang kailangang bigyan ng serbisyong medikal at mas marami ang mahihirap na mga pasyente.

Bunga nito, binigyang-diin ng energetic na gobernadora na ito ay isang malaking hamon sa kanya bilang isang lingkod-bayan.

“Maraming problema ang mga dapat ayusin at kakaunti lang ang budget na nakalaan. Ngunit determinado tayo na ­subukang gawin ang mga plano na ­imposible sa mata ng iba. Pursigido tayong ibigay ang ­de-kalidad na serbisyo-publiko,” aniya.

Ngayong 2023, sinabi ni Gov. Tan na asahan na ng mamamayan na “ang pamahalaang ­panlalawigan ng Quezon, kasama si Vice Governor Third Alcala at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ay patuloy na magbabalika-Tan para maibigay ang malusog na pagbabago sa ating lalawigan. ”

Mabuhay po kayo at God bless!

173

Related posts

Leave a Comment