Ni VT ROMANO
KUMAYOD si Giannis Antetokounmpo ng 22 points at 10 rebounds nang talunin ng Milwaukee Bucks ang host New York Knicks, 111-105 sa Madison Square Garden.
Gumamit ang Bucks ng 3-point shooting para burahin ang 17-point deficit sa second half.
Nagtala si Joe Ingles ng season-high 17 points at si Brook Lopez may 17 puntos din para sa Bucks, kumamada ng 12 3-pointers, matapos maiwanan sa 70-53 limang minuto pa sa third quarter.
Naglista si Jalen Brunson ng career-high 44 points at may seven assists sa Knicks. Nagdagdag si Julius Randle ng 25 points, 16 rebounds at five assists, pero 1-for-12 lang mula sa 3-point range.
Umasa ang Knicks maipagpatuloy ang win run kasunod ng eight-game winning streak at five-game skid na may four straight wins. Laglag ang team sa 22-19.
Si Ingles, hindi nakalaro sa unang 29 games bunga ng torn ACL sa kaliwang tuhod, ang nagpainit sa rally ng Bucks sa pamamagitan ng five 3-pointers.
Angat pa ang Knicks ng 16 kasunod ng three-point play ni Randle, 2:25 pa ang nalalabi, ngunit hindi na muling nakaiskor habang isinara ng Milwaukee ang quarter sa 13-2 run para ibaba ang deficit sa 78-73.
Dahil sa magkakasunod na tres ng Bucks mula kina Obi Toppin, Lopez, Grayson Allen at Ingles, nakuha ng Bucks ang 82-81 lead.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)